Chapter 12

42.8K 1.6K 298
                                    

Tricks

"Tara Trace! Gusto ko ng mabasa!" Hinila na ako ni Rinka nang makabawi kami sa kanyang imahe.

"Mamaya nalang ako maliligo," sabi ko at umatras lalo na't iyong dalawa ay nagpapaligsahan ng bumaba at sumulong roon sa tubig.

"Sigurado ka?" tanong niya na ikinatango ko.

Ilang sigundo muna akong tiningnan ni Rinka pero sumunod rin naman agad ito sa tatlo. Iyong dalawa ay nagtutulakan na sa parang jacuzzi na tubig. May pagka kulay berde dahil narin siguro sa paligid na puro mga puno at parang sumisilip lamang ang sinag ng araw.

Naglakad ako pababa pero tumigil rin ako roon sa may batuhan at umupo. Inilublob ko lamang ang aking mga paa. Si Israel naman ay hindi matanggal tanggal ang tingin sa akin.

Tumayo siya at inihulog muli ang sarili sa tubig. Nagsitilian naman agad ang tatlo na nagawa pang magyugyugan. Marahan akong tumawa lalo na't isinubsob pa ni Rinka si Rose sa tubig nang hinila siya nito.

Lumangoy si Israel patungo sa aking dako hanggang sa ilang sandali lamang ay nasa aking gilid na ito.

Inangat niya ang kanyang kamay at inihawak sa katabing bato na inuupuan ko saka muling hinila ang sarili paakyat. Ang tubig ay mabilis na dumaloy sa kanyang katawan pababa at kahit ang buhok niya ay tumutulo narin ang tubig.

Umupo siya sa aking tabi saka sinuklay ang basang buhok paatras. Pasimple kong iniwas ang tingin at itinuon sa tatlo na nagpapatayan na ata dahil masyado na silang nagkakagulo roon. Sumisenyas pa si Cecille sa tiyan daw ni Israel.

"I brought some food and fruits. Baka gusto mo..."

"Sige, mamaya." Napangiti agad ako sa kanya. May pagkain siyang dala?!

Tumango siya at itinuon ang tingin sa tubig. Humigpit naman ang hawak ko sa magkabila at naikuyom na ang aking mga palad. Ano ba dapat ang ioopen-up ko sa kanya? Si Kuya agad? Ipagmalaki ko agad? Deritsuhin ko agad at sabihing h'wag niya nalang hadlangan ang mga kapatid naming nagmamahalan? Ganoon agad?

"Trace! Doon lang kami ha! Maghahanap kami ng isda!" sigaw ni Rinka sa akin at may itinuturong kabilang parte noong batis.

Hindi pa man ako nakatango ay isa isa na silang umalis roon at naghahagikhikan pa. Bumuntong ako ng hininga. Hindi naman sa ayaw kong mapag-isa kay Israel pero mas kinakabahan ako pag kami lang.

"Nakikita mo 'yan?" Itinuro niya iyong tubig na bumabagsak sa ibaba.

Tumango ako at tiningnan iyong itinuturo niya.

"Alam mo bang may lagusan diyan? May liblib..."

"Talaga?" Namamangha kong sagot.

Tumango siya. "It looks like a cave with half water inside."

Tinitigan ko iyon. Hindi rin kasi klaro lalo na't marahas ang bagsak ng tubig.

"Sisisid ka lang sa ilalim at makakarating kana sa loob noon," dagdag niya pa sa baritonong boses.

Ilang sandali akong natahimik.

"Eh meron naman pala bakit hindi mo ipinasok iyong babaeng hinahalikan mo rito at dito pa kayo sa batuhan nag-ano-" Hindi ko nadugtungan ang aking sinabi lalo na't naninimbang narin ang kanyang mga mata.

"Do you hate those kind of stuff?" he asked deeply.

"Huh? Iyong ano? Halikan niyo?" tanong ko na ikinatango niya ng marahan.

Hindi agad ako nakasagot. Inihulog niya nalang bigla ang kanyang sarili sa tubig saka niya inilahad sa akin ang kanyang kamay.

"Let's swim," anyaya niya.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon