Chapter 46

47.9K 1.3K 71
                                    

Nalulunod

"Did you know, party rin iyong dineklara nila Dad na may fiancee na pala si Kuya?" sabi sa akin ni French habang inaayusan ako sa loob ng aking kuwarto.

Napansin ko nga na bongga ang magiging party mamaya dahil hindi pumayag si Tita Brenda na mga katulong lang namin ang mag-aayos sa amin. Nagpadala siya ng stylist sa bahay at iyon ang umasikaso sa amin.

"Talaga?" tanong ko kay French sa kabilang salamin na minimake-up an narin.

"Yep... And I have this feeling na baka isa sa atin ang may fiancee na pala since we're already 4th year college na. At siguro kaya tayo hinahayaan ni Dad na mag-enjoy kasi ipapakilala niya rin this time ang mapapangasawa natin. Gosh..." Nasapo ni French ang kanyang dibdib na kahit ako ay biglang kinabahan.

Kung totoo man na ngayon iyon... pwede pa naman sigurong mag get to know each other pa diba? Katulad noong kay Kuya... Kinilala rin naman nila ang isa't isa at saksi kami ni French sa naging progress.

"I think ako ang mauuna since I'm older than you," kabadong sabi ni French at namumutla pa.

Kung noon ay okay lang sa kanya na ipakilala sa kanya anytime ang mapapangasawa niya, ngayon ay ayaw niya na ata.

"I don't want to marry a Chinese anymore... May gusto ako and he's not Chinese... Di naman pwedeng nagkaka fiance ako bigla tapos diyan pa ako magcoconfess. This is insane..." Natampal niya ang kanyang noo kaya tumigil pa sandali ang make-up artist sa pagmimake-up sa kanya.

Last year, parang happy crush niya si Israel na inspired siyang pumasok para makita ito. But this year... I think she's...slowly having deep feelings for him.

Pero...baka deep crush lang din? Anong...anong mararamdaman ni French kung—ngunit wala naman akong plano sa amin ni Israel. At gusto ko nang kalimutan pa ang nakaraan. Kung...kung dadating ang araw na magkakaroon sila ng malalim na ugnayan...m-matatanggap ko.

"Alam mo, ang ganda ganda mo. Para kang sinaunang Prinsesang tumakas sa libro at nanirahan lang dito," compliment noong babaeng tumutulong sa akin na itali ang laces sa likod at tinitingnan rin ako sa salamin.

"Uso talaga sa mga instik ang pinagkakasundo ang anak nila. Ewan ko ba... Kaya hindi rin sila basta bastang nauubusan dahil masyado silang sigurista. Kahit mga anak ay handang itulak sa mga lalakeng may kalebel ng kanilang estado para lang mas yumaman lalo."

Pagkatapos rin naman niyang ayusin ang aking kabuuan ay lumabas rin naman kami. Pumalakpak agad si French nang makita ako.

"Gosh! You looked so gorgeous Trace! Sobra!" aniya na ikinangiti ko.

"Salamat, French... Ikaw rin!"

"I know! Always naman," confident niyang sabi na ikinatawa nalang naming dalawa.

Minsan nalang si Kuya sa bahay kaya kami na madalas ang magkasama ni French. Pero sa mga ganitong okasyon ay nagkikita rin naman kaming tatlo. Mamaya sigurado akong naroon rin siya.

"You need to look great since lalabas tayo sa magazines. This party is for elite people, Trace! Pagkakaguluhan tayo sa social media so dapat maganda ang kinalabasan mo sa pictures," sabi niya pa noong tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Nagkalat agad ang mga business man na nakatuxedo at ang kanilang mga asawa na nakalong gown rin at may hawak pang wine glass. Isang pianist ang nasa gitna noong stage at may tumutugtog rin ng violin habang biniblend nila ang tugtog at lumilikha ng napakacomportableng kanta.

May pagka vintage ang lugar at parang bumagay ang suot kong kulay beige sa paligid. Naggugrupo ang iilan at nag-uusap. Si French naman ay hinila ako papunta roon sa may mahabang mesa kung saan may mga nakahelerang pagkain.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon