Chapter 13

44.1K 1.5K 202
                                    

Ginalit mo

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit kami nagkikita dahil narin sa exam. Mas lumamig ang araw ng pagpasok ng Desyembre. Nagfocus ako sa pagrereview na kahit ang tatlo ay isinantabi na rin muna ang mga gala nila.

"Kailan ulit kayo magkikita ng lalake mo, Trace?" tanong ni Rinka habang pinapasok niya ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maliit na bag.

Lalake?

Noong makita niya sa aking mukha ang pagkalito ay ngumisi agad.

"Si Israel, Trace!" paglilinaw niya na kahit iyong dalawa sa likod na nakaupo lamang at sinasagutan pa ang kanilang test paper ay napatingin rin sa amin.

"Rinka, ang boses mo. May may nag-eexam pa," saway agad ng guro sa kanya sa harapan.

Lima nalang silang nag-eexam. Ang dalawa ay sina Rose at Cecille, may isa sa kaliwang banda at dalawa naman sa harapan ng guro. Iyong ibang natapos na ay nagsisilabasan na. Natapos na rin ako pero hindi pa ako lumalabas at may binabasa munang libro para sa ibang exam bukas.

"Sorry, Sir." Ngumiti si Rinka sa aming guro saka ako binalingan at sinenyasan na ako kung ano ang aking sagot sa kanyang tanong.

"Hindi ko alam e. Wala na siyang sinabi pagkatapos noon," paliwanag ko.

Totoo iyon. Inihatid niya lang ako sa tapat ng aming bahay saka rin naman umalis. Wala siyang sinabi na magkikita ulit kami. Wala rin akong matandaan na sinabihan niya akong pumunta sa kanilang lupain. Busy rin naman iyong tao Trace... May iba rin iyong ginagawa.

Hindi ko narin siya nakikitang may kasamang babae. Minsan kasi namamataan ko siyang may kasamang babae. Ngayon ay palagi na siyang mag-isa. Did he ditch them just to be with me? Gusto niya talagang paniwalain ako na seryoso ang intensyon niya sa akin?

Sumabay rin naman ako palabas ng tatlo pagkatapos mag-exam nila Rose at Cecille. Pinipiga pa ni Rose ang kanyang ulo at makikita sa eskpresyon ang pagkadismaya.

"Hindi ako nakaconcentrate sa isang problem kasi may sangkot na mangga! How many kilos of mangoes ang tinatanong tapos bigla nang pumasok sa utak ko 'yong mga mangga ni Israel!"

"Kaya ba bumubungisngis ka sa tabi ko?!" Nanlalaki naman ang mga mata ni Cecille.

"Oo eh... Isasagot ko sana, Israel's mangoes are hard, green, big and tasty. Kaso hindi naman konektado sa tanong kaya kahit ano nalang ang nilagay kong sagot doon," nahihirapang paliwanag ni Rose na ikinatawa namin.

"10 kilos ang sagot doon, Rose. Dapat gumamit ka ng formula para may gabay ka," paliwanag ko sa kanya.

"Iyon na nga, Trace! Nablangko ako kakabungisngis!" Natampal niya ang kanyang noo. "Walanghiya itong mga mangga ni Israel..."

Tumawa kami lalo.

"Hi, Tracey!" biglang bati ng kung sino sa akin.

Natigil kami sa kakatawa at napalingon sa grupo ng mga lalakeng naglalakad rin palabas ng eskwelahan.

Kumurap ako at natagpuan iyong mukha ng pamilyar na lalake sa akin. Iyong may magandang boses at naggigitara.

"Ba't kilala niya si Tracey?" narinig kong tanong ni Cecille na ipinagkibit-balikat lang ni Rose.

"H-Hi," bati ko pabalik kahit na hindi ko naman ito kilala. Mabilis na umingay ang kanyang mga kaibigan at dinumog siya ng kantyaw. Ngumisi iyong lalake at pinilit silang awatin.

"Sige na, lapitan mo na!" Itinulak siya ng kanyang mga kaibigan. Sila Rinka naman ay umaangat na ang kilay.

"Crush ka ata Trace..." bulong ni Rinka sa akin.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon