Chapter 65

82.4K 2.1K 1.2K
                                    

Habangbuhay

"Where are you going?" tanong ni Israel kinaumagahan nang magising ako at nag-ambang bumangon.

Bahagya ko siyang nilingon. Nakapikit parin ito at buhaghag ang buhok.

"Bubuksan ko ang bintana?"

"Later... Let's just cuddle," aniya.

"Umaga na, Israel," sabi ko.

"Hmm, don't stand-up. You might slipped and you're going to hurt yourself... our baby."

"Ano?" Natatawa kong hinanap ang kanyang mga mata kahit na alam kong nakapikit parin siya.

Pinihit niya ako paharap hanggang nasiksik ako sa kanyang leeg. Amoy na amoy ko ang kanyang natural na pabango sa umaga.

"You're fragile. You might break yourself anytime..."

Tumawa ako at itinulak siya ng marahan para makita ang kanyang mukha.

"Eh bakit nag-ano tayo?" biglaan kong tanong dahil sa nangyari kagabi.

Dahan dahan siyang dumilat hanggang sa magkatitigan kami.

"I was extra careful last night and the doctor said it's okay to do it."

Namula ako sa kanyang sinabi.

"What do you want for breakfast? Wala ka parin bang gustong kainin? How about our baby?"

Bahagya siyang umahon hanggang sa tuluyan siyang bumaba at lumebel na sa aking tiyan. Naexpose na ang aking dibdib at kalahati nalang ng aking katawan ang natatakpan noong kumot.

"Israel," saway ko sa kanya roon pero inilebel niya lang ang kanyang mukha sa aking tiyan at pinaulanan niya na ng maliliit na halik.

"What do you want to eat?" tanong niya roon sa aking tiyan at itinapat niya pa ang kanyang tenga. Natawa ako sa kanya.

"Hindi pa siya sasagot 'no..."

Ngumisi siya roon at hinaplos na ang aking tiyan.

"Be good there, okay? H'wag mo masyadong pahirapan si Mommy sa pagbubuntis." Hinalikan niya ulit ito na ikinangiti ko na.

Bumaba rin naman kaming dalawa para makakain raw agad ako ng aking agahan.

Malawak ang lupain sa labas. May napapansin rin kasi akong mga tauhan doon at mukhang may pinagkakaabalahan. Maraming pananim ang kanilang lupa at sa likod pa ay mga puno ng mangga na pinagnanasaan ko ring sungkitin.

"Dalhan natin ng mangga si Mama, Israel," sabi ko sa kanya nang nagpasya kaming lumabas dalawa. Gusto kong maglakad lakad sa lupain.

"Sige. Bibisitahin mo si Mama ngayon?" tanong niya sa akin at nasa nilalakaran ko ang kanyang tingin.

Tumango ako kaya pagkatapos kumain, dumeritso agad kami sa puno ng mga mangga para makakuha kami ng pwedeng dalhin kay mama na galing mismo sa puno.

Inilagay namin iyon sa basket ni Israel at nagtungo rin kami sa bahay. Nadatnan namin si Mama sa may pinto na may hawak na itak kaya kinabahan agad ako.

"M-Ma," tawag ko sa kanya na ikinatigil niya roon at binalot agad ng inis ang mukha.

"Oh? Ba't ka pa bumalik dito? 'Di ba ay pinili mo na iyan?" matabang niyang tanong at nagsimula ring maglakad.

Nagkatinginan kami ni Israel. Ibinalik ko kaagad ang tingin sa aking ina at sinundan ito. Naroon na siya sa likod, nadatnan ko itong iniitak iyong mahahabang damo roon.

"M-Ma," tawag ko ulit at napisil na ang aking mga kamay.

Hindi siya umimik at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon