Chapter 61

61.6K 2.2K 844
                                    

Pagsuko

Malapit na ulit ang finals. Pumayag naman si Papa na after nalang ako ng exam umuwi. Isa pa, sa sobrang ilap ni French, halos ang hirap niyang kausapin.

Ako:
Anong ginagawa mo?

Sinend ko iyon at hindi ako nakontento kaya nagtipa pa ako ng isa pa habang wala pa ang prof.

Ako:
Miss na kita.

Ako:
Anong oras mo ako susunduin?

Ngumuso ako at nayamot nang ang tagal niyang makareply. Binalibag ko ang aking cellphone sa aking desk at sumimangot na. Busy ba siya?

Napansin pa noong katabi ko ang aking inasal at kumunot pa ang kanyang noo.

Pumasok rin naman ang Prof at nagdiscuss.
Nagvibrate ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong kinuha at tiningnan agad ang text ni Israel. Ngumiti pa ako pero nang napagtantong matagal siyang nagreply ay sumimangot rin.

Israel:
You're texting too much. You're in the middle of your class.

Kabisado niya ang aking schedule at dahil lang doon kaya ayaw niyang itext ko siya?

Gigil akong nagtipa ng mensahe.

Ako:
Sige di na kita itetext.

Binalibag ko ulit ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Kaya buong subject na iyon ay hindi ko na chineck ang aking cellphone.

Namataan ko si French sa kanyang upuan. Ilang sigundo akong napatitig sa kanya habang kausap niya ang kanyang kaibigan.

Ba't naninibago ako sa kanya ngayon? May kakaiba sa mukha niya. Ewan. 'Tsaka yung high ponytail niya... parang naging mataas na sungay. Natawa ako sa aking pinag-iisip. Napansin ko pa ang paglingon ni French sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at kinagat nalang ang pang-ibabang labi.

Niligpit ko rin naman ang aking mga gamit pagkatapos ng discussion. Napansin kong kami nalang pala ni French sa loob. Naroon siya sa may pinto at nakahalukipkip. Ang kanyang tingin ay nasa akin. May sasabihin ba siya?

"Bakit?" tanong ko lalo na't halata namang may sasabihin siya.

"Daddy told me you're coming home this Monday? After finals?" Umarko ang kanyang kilay.

"Oo..." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sige... Alis na ako," saka ako nagsimulang maglakad.

"Wait," aniya kaya napahinto ako. Ayoko sanang makipag-usap ng matagal sa kanya dahil baka magbangayan ulit kami.

Nilingon ko siya. Pilya agad siyang ngumiti sa akin.

"Ano nga ulit ang rason bakit namatay si Kuya Bram?" biglaan niyang tanong.

"H-Huh? Nabaril?" Nagtataka kong sagot eh kinuwento ko na sa kanya iyon noon eh.

"Who shot him?" Mas naging pilya ang kanyang ngiti na ikinabilis ng kalabog ng aking dibdib.

"You didn't tell us the whole story. Alam ba ni Tita Lorraine kung sino ka talaga? And what about Israel's father? Close ba kayo roon sa bukid?" Makaluhugan na ang kanyang tingin sa akin at mas nagiging malisyoso na ang ngiti.

"They say... ang mga tahimik na tao ay marami raw tinatago. Pero alam mo Trace, walang sekretong natatago."

Umawang ang aking bibig at pinagpawisan na ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanigas na ako sa aking kinatatayuan.

"I give up. Sige sa'yo na si Israel. Magpakasal kayo. But you see..." Hinawi niya ang kanyang buhok at kinagat ang pang-ibabang labi. Marahan siyang natawa at umiling.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon