Chapter 49

47K 1.3K 309
                                    

Storm

"If my crush is there... magcoconfess ako, Trace. Malayo pa ang klase. One month? And Dad is pressuring me so I need to confess na."

Maingay ulit ang loob ng Club Echelon nang pumasok kami kinagabihan. 9pm palang at may curfew kami hanggang 11 lang kaya maaga kaming pumunta.

Ang nakasanayang spot ng kanyang mga kaibigan ay natagpuan namin doon ni French. Excited silang lahat sa dala dalang balita ng aking kapatid at heto ako, natatangay ang mga mata sa paligid.

Para akong natatangay ng musika. Gusto ko, kahit ngayon lang ay sumayaw ako roon. Gusto kong alisin sa sistema ko ang mga alalahanin ko.

"Oh my gosh so Tracey has a fiance na!" Nagugulantang na natakpan noong kaibigan ni French ang kanyang bibig na kahit ang iilan ay gulat rin.

"Yes! And I am free na to like a non chinese-blood!" balita naman ni French na mas ikinalaki ng kanilang mga mata.

"Really French?! I thought it's taboo!" iyong isa niya pang kaibigan na nakahigh ponytail at sobrang iksi ng suot.

"Well... Mommy told me mas importante right now daw iyong pairing kay Tracey so pag nagpakasal siya doon ibig sabihin wala na sa akin ang burden and baka pwede na raw akong mamili ng hindi Chinese," paliwanag niya at hindi nabubura ang ngiti sa labi.

Sinimsim ko ang inuming hawak at walang imik sa kanilang topic. Nagtitilian na sila at niyuyugyog si French dahil sa kanyang ibinalita.

Kahit papaano, masaya naman ako sa desisyon ko. Malaki ang nagawa ng mga Chua na baguhin ang buhay ko. At...mabibigo ko si mama kung...pinili ko si Israel.

Si mama na lamang ang meron ako, at ang bago kong pamilya. Sigurado ako, kahit ang mga Buenaventura, ayaw sa akin. Si Israel lamang ang pumipilit. Kung pinili niya ako, malaking gulo rin iyon sa pamilya niya.

"Shet, French! Nandito ulit siya! Oh my gosh he's following you na naman!" May kung sinong itinuro ang kaibigan ni French na ikinalipad agad ng kanilang mga mata sa may entrance.

Kahit dim at mausok, ganoon kalinaw ang mga mata nila pagdating kay Israel. Sobrang lakas agad ng pintig ng aking puso at halos natitigilan ako, nanlulumo.

"I'm going to confess! I'm going to confess!" sigaw pa ni French sa mga kaibigan kaya mas naging supportive ang mga ito at desidido ng papuntahin si Israel dito.

Bago pa siya makarating sa lugar na kinaroroonan namin, tumayo na agad ako at umalis doon. Sumiksik ako sa kumpol ng mga tao na sumasayaw at doon dumaan para lamang hindi ko makasalubong si Israel.

Suportado ko si French...at nagpapaubaya ako dahil...dahil ayoko lang maulit ang nakaraan.

Pagdating ko sa restroom ay huminga agad ako ng malalim habang tinitignan ang sarili ko sa malaking salamin. Kumuha ako ng tissue at pinahiran ang nagbabadyang mga luha. Wala kang karapatang umiyak Trace. Ikaw naman ang may gusto nito eh. Panindigan mo ang desisyon mo.

"You left."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa baritonong boses ng kung sinong pamilyar sa akin. Napalingon agad ako sa may pinto at naroon siya nakasandal sa gilid, naninimbang ang madilim na mga mata sa akin.

"U-Uh... Maingay kasi doon..." Alibi ko habang naghuhugas ng aking kamay.

"That night Trace... You left." Pagkaklaro niya na ikinalunok ko dahil sa mga alaalang nagbalik.

Humakbang siya papasok. Nataranta ako. Oo at walang tao pero girl's restroom 'to!

"Did you drink?" tanong niya at nagawa pang ilapit ang kanyang mukha sa akin para makalebel ako.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon