Chapter 2

54.9K 1.6K 278
                                    

Pinasukan

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang tunay na sadya ko rito. Planong humingi ng mangga? Planong panoorin siyang nanunungkit?

"Ano? Sagot," mariin niyang sabi na ikinalunok ko.

"W-Wala naman akong balak na s-silipan ka-"

"You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo," pang-aakusa niya, ang galit sa madilim niyang mga mata ay hindi parin humuhupa.

Umiling agad ako. "Nandito kami p-para humingi ng mangga!"

"You're part of those thieves. Taking mangoes on our land without our consent..." Umangat ang makapal at maitim niyang kilay.

Umiling akong muli, gustong kumawala ngunit hinigpitan niya ang hawak sa akin. Ganoon ba siya ka galit para lang sa kakarampot na mga manggang nawawala?

"Oo kumukuha sila ng mga mangga pero iyong nahuhulog lang naman sa puno at bulok pa raw minsan. Ipagdadamot mo ba kahit 'yung bulok?"

"Liar," mariin niyang sabi.

"T-Totoo!" sigaw ko na ikinaguhit ng iritasyon sa kanyang mukha nang magawi ang mga mata sa aking labi.

Mas naging malalim ang matalim niyang titig. Mas natakot ako roon. Parang sinisilip niya ang loob ko na kahit ang aking kaluluwa ay handa ng humiwalay sa aking katawan.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Guwapo talaga si Israel. Lahat ng anggulo ng mukha niya, wala kang maipipintas. His the perfect description of badboy looking men. Sa titig niya, sa tindig, at sa istriktong ekspresyon, alam mong maraming babaeng handa siyang luhuran.

Ang lalakeng palihim mong tinititigan sa t'wing sinusundo ang kanyang kapatid ay nasa aking harapan na. Aaminin ko, isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya. At ngayon na nabigyan ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya ng husto ay mas lumala lamang ang iniingat-ingatan kong atraksyon sa kanya.

Oo may gusto ako sa kanya kaya rin siguro hindi ko mahila ang sarili ko na h'wag nalang sumama sa mga kaibigan ko kanina dahil may parte sa akin ang gusto siyang makita. May parte sa akin ang natutupok sa t'wing naririnig ko ang kanyang pangalan.

"Kuya?!" may tumawag sa kanya sanhi para malihis ang kanyang mga mata sa akin. Boses iyon ni Ate Rici!

Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makawala. Sipain mo Trace! Bayagan mo!

P-Pero masasaktan ko siya! Ayoko namang kamuhian niya ako! Gawin mo nalang para makaalis kana kaysa naman ikaw pa ang mapahamak pag hindi ka nakawala!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinipa agad ang kanyang gitna. Katulad ng aking iniisip ay mabilis niya nga akong nabitiwan at nahawakan na ang kanyang gitna. Nakayuko ito at bakas sa mukha ang iniindang sakit.

"Fuck!" he growled violently while looking at me using his pained expression.

"S-Sorry! Masakit?!" Natataranta akong lumapit sa kanya para sana tulungan ito pero nang makarinig rin ako ng kaluskos at mukhang papunta na sa aming gawi ay napaatras na ako.

Mariin siyang pumikit. Mas napaatras ako hanggang sa tumalikod na ako at kumaripas ng takbo paalis. Ang aking puso ay para nang lalabas habang tumatakbo ako sa kakahuyang iyon. Ang maliit kong bag ay sagabal pa sa aking likod idagdag pa ang maluwang kong palda na natanggalan ko ng lock kanina.

Just run faster, Trace! H'wag kanang lumingon! Malalagot ka sa Buenaventurang iyon pag naabutan ka niya.

Pero teka, binayagan ko ba talaga siya?!

Nilingon ko ang aking likuran at mukhang hindi na ako sinundan nito. Gumuhit agad ang pagkadismaya sa aking mukha. Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang una naming pag-uusap.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon