Chapter 59

55.9K 1.4K 389
                                    

Bloody War

Ayaw nga akong pauwiin ni Israel. Medyo kumakalma na rin naman ako habang pinapanood siyang magluto.

"Masarap?" tanong niya na ikinatango ko.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka niya hinaplos ang aking pisngi.

"Ihahatid kita bukas sa school. Or you want to transfer?" tanong niya sa akin.

"H-Huh?"

"I want you to stay away from that brat, Trace. Tingin mo pagkatapos ka niyang saktan at nakita kitang naglalakad sa daan habang umiiyak ay hahayaan ko pa na lumapit lapit ka sa babaeng iyon?" matigas niyang sabi at gumuguhit na naman ang galit sa kanyang mukha.

Binitiwan ko ang kubyertos saka namungay ang kanyang mga mata.

"May kasalanan din ako sa kanya, Israel. Oo at nasaktan siya dahil ang crush niya...hindi mapapasakanya, ngunit alam kong masakit sa kanya na may alam ang kapatid niya pero...nilihim sa kanya."

Nagtagal ang titig niya sa akin. "I remember how you defended Feli in spite of how she accused you. I know you too well." Nanliit ang tingin niya.

"Pero kapatid ko parin naman siya-"

"Give me one damn good reason for me to like her, Trace."

"Kasalanan ko naman ito d-dahil di ko sinabi agad sa kanya. Kung nalaman niya lang nang maaga-"

"I already told my mom that I want you. I told her parents that I want you. What's wrong now? Should I shove it into her throat?"

"Gustong gusto ka niya, Israel. Isipin mo nga ang nararamdaman mo sa akin. Ganoon din ang nararamdaman niya sa'yo. Gusto ka niyang makuha."

"Oh that fucking brat. Kahit ata maghubad iyon sa aking harapan at bumukaka ay mababalibag ko lang siya," suplado niyang sabi.

Hindi ako umimik at naglakbay ang aking isipan sa maaari kong gawin para mapatawad ako ni French.

"Don't please her. I know you, Trace. Handa mong isuko ang isang bagay pagdating sa pamilya."

"I hope you won't change your mind..." he sighed heavily.

Umiling agad ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Umahon ang kanyang tingin at napadpad na sa akin. Nginitian ko siya.

Noon, hindi ko siya kayang ipaglaban dahil ang bata bata pa naming dalawa at matayog ang pangarap ni mama sa akin. Hindi ko rin alam kung...malalim ba ang pagmamahal niya sa akin noong panahong iyon.

Ngunit ngayon, nakikita ko kung paano niya pinapatunayan sa akin na handa siyang umakyat sa langit masundan lamang ako. Handang mahulog sa impyerno...mahanap lamang ako.

"Simula sa araw na 'to, di ko na hahayaang may manakit pa sa'yo," buong kasiguraduhan niyang sabi.

Sa unang pagkakataon, nagawa namin ang normal na ginagawa ng magkarelasyon. Nanood kami ng movie sa kuwarto niya pagkatapos kong mag-aral lalo na't malapit na rin ang midterm.

"Just live with me. You're more secure when you're with me, Trace. Aalagaan naman kita," sabi niya sa akin kaya tiningala ko siya.

Ngumiti ako sa kanya. Tama siya. He felt so warm. He felt home.

Gabi na noon nang makatanggap ako ng tawag kay Papa. Napabangon ako sa dibdib ni Israel nang kinuha niya ang aking cellphone at tiningnan ang aking screen. Tiningala ko siya na nakatitig rin doon kaya kinuha ko iyon sa kanya.

"Sasagutin ko lang," sabi ko na ikinatango niya naman.

Bumangon ako at umupo nang maayos sa kama saka ko inilagay sa aking tainga ang screen ng cellphone ko. Bumangon rin si Israel at niyakap ako sa likuran habang ang kanyang baba ay nasa balikat ko na.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon