Chapter 6

47.4K 1.5K 334
                                    

Naakit sa bulaklak ni Tracey

Iniwanan din naman kami ni Israel sa lupain nila at hinayaang kumain. Para kaming nagpicnic sa lilim ng mga puno habang tumatagos ang sunset at nagiging makulay ang paligid.

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa malaking mansyon nila. Sa lahat ng bahay rito sa Bukidnon, sa kanila ang kilalang kilala dahil malaki at pagmamay-ari pa nila.

Ano kayang feeling na ipinanganak ka agad na mayaman?

"Hindi ko mabasa itong si Israel. Hindi ko alam kung bumabait ba, o nagbabaitan," ani Rose at naiiling na isinawsaw ang mangga sa sauce.

"Nakakapagtaka nga at namigay ng mangga eh... Hindi nakakapagtaka ang pagsusungit noon eh masungit naman talaga iyon eh," si Rinka naman na sunod sunod na ang subo ng mangga sa kanyang bibig.

Bumagal ang pagkagat ko. Akala ko hindi na nila napansin ang bagay na iyon... He's really mysterious.

"Bukas balik ulit tayo dito... Araw-arawin natin ang mangga ng mga Buenaventura, Trace..." suhestyon ni Rose na ikinatango rin naman agad ng dalawa.

"Baka masabihan na tayong abusado noong tao pag inaraw-araw natin ang punta rito..." sagot ko.

"Manghihina si Israel pag inaraw araw natin ang mangga niya," si Cecille na humagalpak.

"Pero sa tingin niyo, girlfriend niya kaya iyong babae na kalaplapan niya sa batis?" biglaang tanong ni Rose na kumuha ng buo kong atensyon.

I know he's a womanizer. Kalat iyon palagi sa bayan at puro pa may kaya ang mga babaeng pinapatulan niya. Iyon nga lang wala naman akong nababalitaang break-ups. Lahat iyon ay napapangalanan lamang na fling o babae niya lamang.

"Fuckboy si Israel, Rose. Takot iyon sa commitment," si Cecille.

"Magaling lang sa kama pero hindi magaling makisama." Nailing iling si Rinka.

"Itikom niyo nga iyang bibig niyo. Baka marinig tayo noon at hindi na tayo makabalik rito," awat naman ni Rose sa kanila.

Sa mga sumunod na araw, hindi na nagparamdam si Israel. Nahihiya rin akong bumalik ulit sa lupain nila at kinumbinsi nalang ang tatlo na saka na ulit pag niyaya kami ni Israel.

"Trace!" Binuksan ni Kuya Bram ang bintana sa hapong iyon habang nasa likod ako ng aming bahay at naglalaba lalo na't Sabado rin.

Nilingon ko si Kuya na walang saplot sa itaas at kakatapos lamang maligo. Kinukusot niya ng tuwalya ang basa niyang buhok.

"Iyong tatlo mong kaibigan, nasa harap ng bahay," sabi niya na ikinatayo ko agad.

Nandito ang tatlong iyon? Hindi ko naman maalalang may usapan kami ah? Ba't bigla bigla nalang silang gumagala? Hindi kaya ay balak nilang pumunta sa lupain ng Buenaventura at manguha ng mangga?

Umikot agad ako papunta sa harap ng bahay habang ipinupunas ang aking basang kamay sa suot kong damit. Nakita ko nga ang tatlo kong kaibigan na humahaba ang mga leeg kakasilip sa bintana.

"Nandito ako," tawag ko sa kanila pero ni hindi man lang ako nilingon at tanging si Rose lang ang nag-abalang tingnan ako kaso mabilis ring bumalik sa loob ang kanyang mga mata.

"Hindi ikaw ang sadya namin Trace... Ang kuya mo..." si Rinka.

Inimbita ko agad sila papasok sa bahay. Hinila ko palabas sa ilalim ng aming lamesa iyong mahabang upuan para doon sila paupuin. Si Kuya naman ay mukhang nasa kwarto at nagbibihis na.

"Kuya luto na itong niluluto mong nilagang saging?" sigaw ko nang kumulo na iyon at tumatagas na ang iilang tubig.

"Oo luto na iyan... Ako na diyan. Mainit 'yan Trace..." Lumabas rin naman ang aking kapatid at nakabihis na.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon