Chapter 58

53.6K 1.7K 676
                                    

Limit

"Fiancee? Who?" tanong pa ng aking prof at iginala ang tingin.

Lahat ng naririto ay mukhang interesado at hindi na ata kumukurap ang iba kakatitig kay Israel sa may pinto.

"Gosh! Fiancee mo na siya, French?!" tanong ng isa sa mga kaibigan niya at nasundan agad ng nakakabinging tili sa loob ng classroom.

Halos mapalunok ako at hindi alam kung titingnan ba si Israel o hintayin nalang na umalis ito. Ramdam ko ang pawis sa aking kamay at ang kalabog ng dibdib ko.

"Oh so it's French?" panghuhula naman ng aming Prof na tumawa pa.

"Well... She's shy. Can I come in?" tanong ni Israel na mas ikinaingay ng loob namin.

"Sure!" iyong prof ko naman at nakikisabay narin sa mga estudyante.

Pumasok si Israel at deri-deritso ang lakad.

"Ay ba't niya nilagpasan si French?"

"Huh? Edi totoo yung rumor na kumakalat?"

"Iyong kapatid ni French ang sadya niya?"

"Edi hindi si French ang fiancée niya?"

Mas lalong tumahimik nang huminto siya sa aking desk at inilapag ang aking phone doon.

"You left your phone. Di kita matatawagan niyan kung nasa akin," aniya.

"S-Salamat, Israel," bigkas ko at nahihiyang nag-angat ng tingin sa lalakeng nakanguso na sa aking harapan.

"Huh? Akala ko si French ang nakakamabutihan niya?" isa iyon sa pumaibabaw na boses.

Umangat ang tingin ni Israel at tumayo siya ng tuwid. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay.

"French who? My fiancee's brat sister?" Umangat ang kilay ni Israel at supladong suplado na ang mukha.

Mariin akong napapikit at halos buhusan ako ng malamig na tubig sa buo kong katawan.

"Pero 'di ba tambay ka sa labas ng gate? At noong nasa bar kami ni French naroon ka rin. Hinatid mo pa nga si French diba?" Isa sa mga kaibigan ni French ang nagtatanong noon.

Mabilis na nag-angat ng kilay si Israel.

"Israel-" Pigil ko pero natakpan lang ang aking boses.

"You didn't tell them about our past?" Inosente pang tanong sa akin ng lalakeng ito at nadedemonyo na naman ata.

This cunning Buenaventura...

"Huh? May past kayo?" Isa naman sa mga kaibigan ni French iyon.

"Ah... Nilayasan kasi ako ni Tracey sa bukid kaya sumunod lang ako rito. Galit siya sakin kaya tumatambay nalang ako sa labas. I'm his stalker and now his fiancé." Anunsyo niya at mukhang pinagmamalaki pa talaga.

Napasinghap ang lahat.

"Kung di rin naman umurong si French sa kasunduan ay hindi rin naman si Tracey ang mapapakasalan. Diba fix marriage lang?" Isa na naman iyon sa mga kaibigan niya.

Israel chuckled.

"Baka ako ang umurong sa kasunduan kung di si Tracey ang pakakasalan ko. Sa kanya ko lang ata kayang itulak ang sarili ko." At ngumisi pa siya sa akin.

Mas lalong nagulat ang lahat ng nandito. Napapansin ko pang may nagvivideo sa amin na kahit ang aming prof ay pinapatahimik lang ang klase pero halatang interesadong makinig.

Sinenyasan ko nalang siyang lumabas na kaya tumango naman siya at nagawa pang yumuko para patakan ako ng halik sa gilid ng aking pisngi.

Lumunok ako ng laway. He's really fearless...

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon