Chapter 19

44.7K 1.5K 309
                                    

Darkness

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Abraham!" Tila naubos na ang pasensya ni Mama at natawag na ito sa buong pangalan kinagabihan na ikinagising ko.

"Ma..." malambing na tawag ni Kuya at mukhang gustong hinaan nito ang kanyang boses.

"Baka magising si Tracey. Natutulog na iyon-"

"O bakit?! Nahihiya kang malaman niya 'yang pinaggagawa mo?!" si Mama.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumagilid.

"Nasa tamang edad na ako, Ma," nafufrustrate na sagot ni Kuya.

"Nasa tamang edad nga pero maling babae naman! Pinapapasok mo pa rito! Paano kung mandiri iyon-"

"Hindi ganoon si Riss, Mama..."

"At paano kung nabuntis mo Bram!" Mas lumakas ang sigaw ni Mama. Para na atang lumabas ang kanyang boses sa bahay.

"Anong ibubuhay mo sa kanila eh halos hirap mo ngang buhayin ang iyong sarili!" dagdag pa ni Mama.

Ilang sigundong tumahimik si Kuya pero kalaunan ay nakarinig ako ng marahang halakhak.

"Hindi pa namin iyon ginagawa, Ma. At kung gagawin man... hindi naman iyon agad magbubunga-"

"Aba'y akala mo nagbibiro ako Bram?!" singhal ni Mama dahil sa naging reaksyon ni Kuya.

Tumawa lamang si Kuya. Narinig ko pa ang tunog ng upuan na mukhang nagalaw.

"Ako ang sasalo sa kahahantungan nito, Ma. Di ko hahayaang madamay kayo. Pinigilan ko naman... pero sa t'wing pinipigilan ko parang hinihila rin ako pabalik sa kanya," malungkot na sagot ni Kuya na ikinatahimik ni Mama.

Noong gabing iyon ay hindi ko na narinig ang sagot ni Mama kay Kuya Bram at ang tanging sinabi lamang ay matulog na ito at magpahinga.

Nagpatuloy ang pagpapractice namin sa lupain nila Israel. Hindi narin naman ito nakikialam dahil pinapanindigan ko narin ang role ko bilang si Lena. Umpisa palang ay namamatay na agad. Naroon lamang ako, nakaupo at nakikipagkwentuhan ng kung ano kay Israel.

Habang tumatagal ang pagiging ganoon namin ay medyo hindi na ako nahihiya sa kanya. Medyo nabawasan pero naroon parin iyong pakiramdam na palagi akong naiilang sa kanyang presensya.

"Mukhang sobrang close niyo na ah? Uy..." Siniko siko ako ni Rinka habang naglalakad ulit kami papunta sa kanilang lupain.

Namula ang aking pisngi habang hindi ko mabura ang ngiti sa aking labi.

"Hindi ah," sagot ko.

Nakisali narin si Rose at sinundot sundot pa ang aking tagiliran.

"Asus! Tumatawa ka pa nga kahapon! Si Isrsel naman pangisi ngisi pa sa'yo! Baka may namumuo nang espesyal na koneksyon sa inyo ah! Baka di mo lang sinasabi!" bintang naman nito na nakaponytail ang buhok.

"Wala nga..." sagot ko pero mas tumamis pa ang aking ngiti.

"Eh ba't pangiti ngiti ka? Baka kayo na! Ano, sibling goals kayo ng kapatid mo dahil parehas na Buenaventura ang nagkakagusto sa inyo!" si Cecille naman.

Tumawa ako at umiling iling. Hindi ko na alam kung paano sila aawatin sa pang-aasar sa amin ni Kuya Bram. Araw araw ay ganoon nalang ang ginagawa nila. Palagi nila kaming pinapaliguan ng kantyaw ni Israel.

"Kayo na ni Israel, Trace?" tanong naman ni Roel na nakasunod lamang sa aming likuran. Ang katabi nitong si Freddie ay kumurap kurap narin at mukhang interesado sa magiging sagot ko.

Umiling agad ako.

"Mukhang natamaan ata iyon sa'yo Trace... Masyado kang binabakuran," si Freddie naman.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon