Chapter 20

46.4K 1.3K 152
                                    

Label

Maagang umuwi si Mama sa araw ng noche buena. Kahit si Kuya ay walang trabaho noon kaya kompleto kaming tatlo sa bahay.

"Ang dami mong pinamili, Ma!" Nagugulat kong pinagtitingnan ang mga cellophane niyang dala.

"Syempre... Noche buena mamaya... At pasko na bukas. Dapat may handa tayo," sabi niya sa maliwanag na mukha habang hinuhubad ang suot na maliit na slingbag kung saan niya madalas nilalagay ang kanyang kita.

"Ang kuya mo?" Iginala niya ang tingin sa aming bahay.

Hinila ko ang upuang nasa loob ng lamesa at lumuhod ako roon saka inilabas ang mga pinagbibili niya at maluto na namin.

"Nagpaalam iyong lumabas sandali, Mama... Baka mayamaya nandito na 'yon," sagot ko.

Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at nagawa pang lingunin ang may pinto. Nailing ito.

"Pumunta na naman siguro iyon kay Rici! Nako... Ang batang iyon!" Nakamot ni Mama ang kanyang ulo.

Sinimulan kong hiwain iyong mga seasonings noong karne. Si Mama naman ay nagtungo narin sa lamesa at iyong pancit naman ang kinuha.

"Hayaan mo na iyon si Kuya Mama. Alam niya naman ang ginagawa niya." Inilipat ko sa plato ang mga hiniwa kong seasonings.

Magtungo si Mama sa harap noong sink dala dala ang pancit.

"Hindi niya alam ang ginagawa niya, Trace! Nabubulag na iyon sa pagmamahal niya," si Mama.

"Pasko naman Ma. Pagbigyan mo na si Kuya." Nilingon ko pa ito at nginisihan kaso itinaas niya ang kanyang kamay na nakakamao na at handa atang paliparin iyon sa akin kaya ngumuso agad ako.

"Isa ka rin!"

Iyon ang topic naming dalawa ni Mama habang tinulungan ko siya sa pagluluto. Masarap magluto si Mama lalo na iyong Pochero na paborito ko at chicken curry. May binili rin itong chippon cake at pang fruit cocktail. Mukhang hahaluan niya iyon ng buko dahil bumili rin siya noon.

Hindi naman kami madalas maghanda ng marami tuwing pasko dahil narin wala kaming pera. Noon ay bumibili lamang kami ng isang putahi bilang ulam at chippon cake. Ganoon lang iyon palagi.

Pero ngayon, nakakamangha na medyo nadadagdagan namin ang handa sa mesa. Ang sarap sa pakiramdam na parang nakakausad kami sa kahirapan.

Dumating rin naman si Kuya. Marami itong dala at una kong napansin agad ay ang hamon.

"Sosyal natin ah? Ba't may pahamon hamon kang dala?" Puna narin ni Mama. "H'wag mong sabihin kay Ri-"

"Binili ko ito, Ma. Syempre may trabaho ako," mayabang pang sabi ni Kuya at inilapag ang iilang dala sa lamesa.

May dala itong cake, hamon, at isa pang malaking paperbag.

Umupo siya sa aking tabi at hinuhubad na iyong sapatos na suot. Hindi maalis alis ang ngisi sa kanyang labi habang hinihirit-hiritan siya ni Mama ng kung ano ano.

"Baka nagpalibre ka roon sa babae mo ha-"

"Lalake dapat ang gumagastos, Ma..." kalmadong sagot ni Kuya at itinabi ang sapatos sa gilid.

Iyong paperbag niya naman ang aking sinilip at napansin agad ang dalawang regalo.

"Kuya para kanino 'to?" Kinuha ko iyong isang regalo at napalingon kay Mama na nandito narin ang tingin.

"Sa dalawa ko pang babae..." sagot lamang ni Kuya at tumayo na. Tumutulong narin ito sa pagluluto.

"Itong babaerong ito! Purket biniyayaan ng guwapong mukha aabusuhin na! Ano, lolokohin mo si Rici! Nako! Ako talaga mismo ang puputol niyang leeg mo-" Naputol agad si Mama dahil sa pagpunta ni Kuya sa kanyang gawi at niyakap na ito sa likod habang tumatawa.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon