The Untold Part

69K 2.2K 611
                                    

Trigger Warning: Suicide

Untold Part of Israel Buenaventura

"Is there a problem, Riss?" tanong ko nang mapansing may kakaiba sa kanya.

Umiling lang siya at mahahalata mong hinang hina dahil kahit ang galaw na iyon ay walang kabuhay buhay.

Palagi ko siyang tinatanong kung anong problema pero wala naman siyang sinasabi. Did they fight? Nagloko ba si Bram? O may hindi lang pagkakaintindihan? I tried to be positive for the sake of Tracey. Ayokong sumiklab agad dahil alam ko na natatakot siya sa akin pag ganoon ako.

But as soon as I found out that the fucker cheated behind my sister's back, I was pure livid. I gave him a benefit of the doubt because I wanted to trust him, at least because Tracey believes in him! Tapos malalaman kong gagaguhin niya ang kapatid ko?

"Check on her, Israel... I can't come home. I have so many things to do here," sagot ng aking ina sa kabilang linya.

Nabasa ko ang pang-ibabang labi. I'm not good at giving advices! Anong sasabihin ko? Move-on and find another man, Riss... It's not that simple.

Dapat si Ate Adiane ang gumagawa nito. But that girl is busy with her own lovelife too. She's busy in the City.

"Let her get over it. She needs time to heal herself. Makakamove-on rin siya." My Dad said while we're having our dinner.

Bakit ba ganito sila kakalmado? I hate that they're taking this so fucking simple. Na ako lang ang nababahala at naninibago sa aking bunsong kapatid.

Hindi ako makampante. Palagi namang pinapadalhan ng pagkain si Rici sa kanyang kuwarto pero di parin ako mapakali. Kaya noong dadalhan ulit siya ay ako na ang nagpresenta. I don't even know if she's eating well... My parents only cares for their business and such. Tss.

Kumatok ako sa pinto. She didn't answer kaya binuksan ko nalang. Nagkasalubong agad ang aking kilay dahil nakalock na iyon.

Sumigaw ako at tinawag ang kasambahay na namataan kong malapit lang.

"Get her keys! It's lock! Faster!" sigaw ko na ikinataranta nito at tumakbo agad.

Kinalampag ko ang doorknob. Sinipa ko pa iyon at gusto ko na agad sirain.

"Rici! Open the damn door!" Pinalo ko iyon ng malakas pero hindi ko mabuksan.

Bumalik rin naman ang katulong dala dala ang susi. Mabilis ko iyong binuksan sa nanginginig kong kamay at nagulat nalang sa tumambad sa aking harapan. Napasigaw ang katulong habang ako ay parang nanlamig dahil sa kapatid kong nakahandusay nalang sa sahig, wala nang malay.

I immediately went to her. Kinarga ko siya sa pagkakahiga roon at tinapik tapik ang kanyang pisngi.

"Riss! Riss!" Namula agad ang aking mga mata. She was so pale. May mga nagkalat ring tableta sa sahig.

I checked her pulse and I can't feel her heartbeat anymore. Kinilabutan ako. God!

Mabilis ko siyang kinarga. My father ran toward me noong lumabas na ako at nagmamadaling isugod ito sa ospital.

"What happened?!" tanong ng aking ama na sumusunod. Bakas sa mukha ang pag-aalala.

"She took some meds!" Iyon lang ang tanging nasagot ko.

It was the most painful moment in my entire life. My sister didn't make it. Naoverdose raw ito. She killed herself!

Pinaghalong sakit at galit ang naramdaman namin. Ang aking ama ay walang ibang sinisisi kundi ang nanakit kay Rici. Na kahit ako ay si Bram rin ang aking sinisisi.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon