Chapter 51

60.5K 2K 343
                                    

Warning: R-18

Markado Na Kita

Hindi ko alam kung paano irerehistro sa aking utak ang mga sinabi ni Israel.

"Pati ang kapatid ko... pati si French ay ginamit mo para lang masunod ang gusto mo," sabi ko nang maalalang nilapit-lapitan niya si French.

"I can use all my damn cards just to win you, Trace. Walang mamamagitan sa ating dalawa at lahat ng hahadlang ay sasagasaan ko," matigas niyang sabi.

Nailing nalang ako at naglakad palayo.

"Where are you going?" Hinila niya ako bigla kaya mabilis ko itong itinulak. Nagulat siya roon lalo na nang makita ang aking ekspresyon.

"Mag-aaway kami ni French dahil sa ginagawa mo! Guguluhin mo na naman ang buhay ko! Hindi dapat ikaw..." halos hindi ko madugtungan dahil sa pagdilim ng ekspresyon niya.

"Bakit ba iniisip mo ang sasabihin ng iba? How about us Trace-"

"Walang tayo, Israel! Matagal ng walang tayo at kahit ipilit nating dalawa, walang tayo!" putol ko at tinalikuran ulit siya.

Mas binilisan ko ang paglalakad at idagdag pa ang gown kong sumasayad kaya kailangan ko itong hawakan para mas makatakbo ako ng maayos.

Nakarating ako sa lobby. Paglingon ko, nakasunod parin ito sa akin kaya mabilis akong lumabas pero ang sumalubong agad sa akin ay ang patak ng malalaking ulan. Ilang sandali lamang ay bumuhos na iyon at mukhang pinipigilan ako sa aking plano.

"Trace!" sigaw ni Israel nang makita akong nasa labas na.

Humugot ako ng hininga at tumakbo palabas. Kung pwedeng umuwi nalang ako at magtaxi ay gagawin ko. Naiinis ako sa nangyayari. Ayoko na itong harapin pa.

Mabilis kong naramdaman ang lamig ng ulan at ang tuluyan kong pagkabasa. Bumibigat na ang aking suot at hindi na ako nakakatakbo ng maayos. Ilang sandali lamang ay nahila na ako ng malakas.

"What are you thinking? Umuulan?!" Galit niyang sabi sa akin at hinila ako pabalik.

Nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng ubod lakas hanggang tuluyan niya akong binitiwan.

"Gusto kong lumayo sa'yo, Israel! Ganito ako kadesperadong makalayo lamang sa'yo! Ayokong napapalapit sa'yo dahil sa t'wing nagkakalapit tayo... pinapaalala sa akin ng langit kung gaano ka dilim kung ikaw ang pipiliin ko!" Nanubig ang aking mga mata at isinigaw ko iyon ng ubod na lakas.

Nakita ko ang gulat niya at ang dumaang sakit sa mukha niya.

"Hindi mo ba nakikita?! Hindi ba sapat ang...nangyari sa pamilya natin para tigilan mo ako?!"

He looked at me weakly. Umiling siya at namumungay ang mga mata sa akin. Halos malaglag ang panga ko.

"Israel! Namatay ang kapatid nating dalawa dahil pinilit nila ang pag-ibig na hindi pabor sa kanila!" sigaw ko, halos nanginig ang labi.

Kahit umuulan, naramdaman ko kung paano umagos ang mga luha ko.

"Kung pinagpatuloy natin ito, tingin mo hindi ulit hahadlang ang mga magulang natin—"

"They can't. And I will make sure they will never lay a finger on you," giit niya sa garalgal at namamaos na tinig.

"Kaya mong...kaya mong talikuran ang lahat lahat para rito? Kaya mong...piliin ako kaysa sa pamilya mo?"

Ngumiti siya ng hilaw. "I could choose you against anything in just a heartbeat, Trace."

"Bakit ba parang wala lang sa'yo ang nangyari sa pamilya natin?" Nanlumo kong tanong.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon