Chapter 11

45.2K 1.3K 185
                                    

Malabo

"Tara Trace! Magrecess tayo," yaya sa akin ni Rinka nang sumapit na ang aming recess.

Inilipat ko ang pahinang binabasa at inilingan si Rinka. Sa kanyang likuran ay ang dalawa ring nakatingin sa akin.

"H'wag na. Dito nalang ako," sabi ko.

Lumukot agad ang kanyang ekspresyon. Bago ko pa maibalik ang tingin sa aking libro ay nakalapit na siya at hinihila ako paalis sa aking upuan.

"Konti nalang talaga matutuluyan kana riyan sa pagiging loner mo! Maganda ka Trace! Irampa mo iyang mukha mo!" Mas hinila niya ako patungo sa dako ng dalawa.

Hinawi ko ang aking buhok sa likod at iginala ang tingin nang makalabas na kami ng classroom. May iilang estudyanteng naghahagikhikan at maingay rin ang paligid. Si Cecille at Rose ay mukhang may pinag-uusapan nang lalakeng estudyante na namataan nila at pasimple naring humahagikhik ang dalawa.

"Kumusta naman ang Kuya Bram mo, Trace?" tanong sa akin ni Rinka nang mapansin niyang masyado akong tahimik.

"Okay naman siya," sagot ko na ikinasimangot niya. Ang hanggang balikat niyang matuwid na buhok ay kakulay ng kanyang itim na kilay.

"Palagi mo talagang tinatapos ang pag-uusap 'no? Ang tipid tipid mo... Paano nalang kung nagkasama kayo ni Israel edi sobrang tahimik? Dapat maging madaldal ka!" aniya.

Itinuon ko ang aking tingin sa aming nilalakaran. Ngumuso ako.

"Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pag-uusapan... At baka... May masabi akong hindi niya magustuhan kaya ano... tatahimik nalang ako," sabi ko sa mahinang boses.

"Kung naging lalake napakatorpe mo siguro! Baka hindi ka mahilig sa babae at may sarili pang mundo." Nailing iling na siya.

Marahan akong tumawa.

"Malapit na ang sabado kaya ang gawin mo ay maglista ka ng pag-uusapan niyo. Iyong makikilala niyo ang isa't isa. H'wag mo ng gayahin ang mga bibig namin dahil baka maturn-off iyon sa'yo at sabihing easy to get ka dahil ang rupok rupok mo. Kahit sa araw na iyan maging madaldal ka muna."

"Anong topic naman?" tanong ko.

"Kahit ano. H'wag na h'wag mong sayangin ang oras na iyon dahil minsan lang iyon nangyayaya. Sulitin mo."

Tumango tango ako sa sinabi ni Rinka.

"Mga mangga na naman ni Israel ang topic niyo?" Biglang lumingon sa amin ni Cecille at naging interesado agad ang tingin.

Mabilis rin namang nalihis ang topic at pumapantay na kami ni Rinka sa dalawa. Iba na ang kanilang topic at naghahagikhikan na naman. Kahit noong makarating kami sa canteen ay hindi nila binitiwan ang pinag-uusapan nila.

Doon lamang iyon natigil nang may mamataan silang grupo na nagtatawanan. Mabilis na umasim ang mukha ni Rinka na kahit si Rose ay mabagal na ang pagkagat noong hotdog na hawak, si Cecille naman ay matalim agad ang tingin sa grupong iyon.

"Hindi naman sana impyerno ito pero may napadpad na kampon ni Satanas," marahas na sabi ni Rinka, hindi na kumakalma ang ekspresyon.

"Sandwich at spag lang akin, Riss... Thank you ng advance," narinig naming sabi noong Feli lalo na't malapit na sila sa amin.

"Sure! 'Yon lang ba?" tanong ni Ate Rici habang naglalabas ng pitaka.

"Hmm... Dagdagan mo narin noong shake nila. Grabe kasi sa bahay, hindi masarap ang pagkain." Sumimangot agad ito.

Napabuga ng hininga si Rinka. Ako naman ay hinila nalang ang kanyang uniporme para kunin ang kanyang atensyon at umalis nalang doon. Iyong dalawa naman ay gusto pang manatili.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon