Chapter 26

42.9K 1.3K 258
                                    

Unfair

Sa gabing iyon... hindi ko alam kung ano ang iniiyak iyak ko. Umalis rin naman ito saka rin ako pumasok ng bahay. Parang nagluluksa ang aking puso. Nangangamba na baka ay hindi niya mapanindigan lahat ng binitiwan niyang salita sa akin.

Kung napagod siya edi hindi talaga kayo para sa isa't isa Trace... Diyan mo mapapatunayan kung totoo ba siya sa salita niya. Kung hindi lang ba siya hanggang salita dahil kadalasan sa mga lalake ngayon puro nalang salita pero nababali naman pagdating sa gawa.

Balang araw magiging malaya rin naman ako. At katulad ng sinabi ni Israel... balang araw ay ipaglalaban ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay kikimkimin ko muna ito. Itatago ko muna.

Palagi akong pinapaalalahanan ni Kuya Bram na iwasan na si Israel kung hindi ay isusumbong niya agad ako kay Mama. Si Mama naman mukhang walang nakakalap na tsismis dahil masyadong nawiwili sa mga bulaklak niyang nabebenta niya lahat. Noong tinanong ko kasi siya ay iba ang sagot niya.

"Huh? Anong tsismis? Eh kung magkakapera ako diyan buong araw akong makikipagtsismisan sa palengke kaso hindi naman!" Para siyang nakatikim ng isang mapait dahil sa hitsura niya.

Sa palengke kasi madalas iyong tsismisan. Si Mama malayo naman doon.

"Ano ba iyan, Trace! Bakit mo tinaboy si Israel?! Alam mo ba ang tsismis dito? Na si Israel daw ang nagsawa sa'yo?! Na nabagok na daw ang ulo at natauhan na!" Galit na galit na naman akong sinermonan ni Rinka nang makaupo ako sa aking upuan.

Alam na nila ang tungkol sa amin ni Israel dahil hindi narin naman ito nagpaparamdam sa akin. Minsan nakikita ko siyang sinusundo si Ate Rici pero hanggang doon lamang. Balik na iyong dati... Iyong pagiging misteryoso niya sa akin at tila di ako kilala.

"Dapat sinagot mo na! Ba't ka naman nagpapaapekto sa mga nakapaligid sa'yo eh mga taong may makikitid na utak lang naman ang mga iyan!"

Inilabas ko ang aking notebook doon at kumuha narin ng ballpen.

"Hayaan mo na, Rinka..." sabi ko sa kanyang nang tingnan ko siya sandali.

Nalaglag ang kanyang panga at mas lalo lang atang sumabog sa inis. Itinuon ko naman ang aking tingin sa notebook.

"Anong hayaan?! Dapat nga ay kayo na! May gusto iyon sa'yo Trace! Ano ba iyang prinsipyo mo! Hindi naman basehan ang estado sa pagmamahal ah..."

"Hindi rin naman ganoon kadali ang pumasok sa ganoong bagay. Di pa ako handa at nag-aaral pa ako," sabi ko at tiningnan siya. Sa kanyang likod naman ay ang dalawang kakapasok lamang.

"Pwede mo namang ibalanse! Lahat ng estudyante rito iba iba agad ang mga sinasabi! Na nagsawa raw si Israel sa'yo dahil ginagamit mo lang daw ito! Na nakahanap na raw ng iba iyon!"

Dumating rin naman ang dalawa sa kanyang tabi. Nakikiusyoso agad sila.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagsulat ng dapat kong isulat sa aking notebook.

"Hayaan mo na. Di ka pa nasanay sa kanila eh ganoon naman talaga ang mga tao rito..." sabi ko.

"Hay nako Rinka. Hayaan mo na nga. Paano kung ang iniisip lang ni Tracey ay ang kinabukasan niya? Pag naging sila hindi malabong magyaya agad si Israel noong alam mo na... at paano kung nabuntis si Tracey nang maaga edi yari siya kay Kuya Bram at Mama niya," si Cecille.

"May condom 'no! At halatang expert naman iyong si Israel! Okay lang na mag thrust basta may gamit na trust," si Rose naman.

Namula na ang aking pisngi sa kanilang topic.

"Pero ang aking point lang... Dapat sumugal man lang siya." Inis akong tiningnan ni Rinka. Ramdam ko iyon sa gilid ng aking mga mata.

Sana nga ganoon lang kadaling magmahal 'no? Sana ganoon lang kadali. At alam ko na pag nalaman ni Mama na nagkakagusto rin ako doon sa isa pang Buenaventura ay mahihimatay na ata iyon. Si Kuya Bram naman hanggang ngayon galit parin kay Israel. At bata pa ako! Baka di ko magampanan ng maayos ang bagay na iyon at maghihiwalay rin kami. Makakahintay naman ang pag-ibig ah? Pag nakapagtapos ako... kahit ako pa ang maghabol ay okay lang basta may napatunayan na ako sa aking sarili, kay Mama...

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon