Chapter 16

44.9K 1.6K 425
                                    

Marahas

Nanatili siya roon habang nagpapractice na kami noong magiging dula namin. Nakaupo lamang siya at nakapiko ang mga paa. He looked bored, but at the same time, he seems invested to watch...me.

Malalim ang kanyang tingin sa amin. Ni hindi ko magawang gumalaw ng maayos dahil napapaso na ako sa kanyang titig. Parang gwardyado niya ang bawat galaw ko.

"Heto ang script mo Trace... Ikaw iyong gaganap na Maria, ha... total akma sa'yo ang description noong babae. Mahinhin,.maganda tapos may maamong mukha." Ibinigay sa akin ni Rinka ang isa sa mga kapirasong papel doon sa hawak niyang folder.

Si Rinka kasi ang nagpresentang gumawa sa plot ng dula namin habang si Rose naman ang sa mga props. Ako naman ang magcocombine nito sa isang scrapbook lalo na iyong mga makukuha naming litrato habang nagpeperform. Ito ang pinakamalaki naming project sa Filipino.

"Lemme see the script." Inilahad ni Israel ang kanyang palad kay Rinka na napakurap na at tila nagulat.

"Bakit?" natatawang tanong ni Rinka. "Babasahin mo? Hindi ito masyadong maganda... Israel..." paliwanag ni Rinka pero umangat lamang ang kamay ni Israel bilang sagot.

Ibinigay rin naman iyon ni Rinka at wala ng sinabi pa. Nagkatinginan kami nila Rose. Nag-usap kami sa pamamagitan ng aming mga mata pero nauwi rin iyon sa paglilipat ng tingin kay Israel na mukhang binabasa na nga iyon.

"Sige... Magpractice na tayo..." sabi pa ni Rinka kaya pumwesto rin naman kami at tiningnan ang aming mga hawak na papel.

"May kissing scene, Rinka?" biglaang tanong ni Roel.

"Hindi naman talaga kissing scene. Bale ilalapit mo lang ang mukha mo kay Tracey... Ganoon lang..." paliwanag niya na mabilis na ikinaangat ng ulo ni Israel at nagkakasalubong na ang mga kilay.

"Your script is too boring," komento niya na ikinatingin naming lahat sa kanya.

Boring? Huh?

"Bakit? May hindi maganda?" tanong naman ni Rinka at mukhang nababahala sa komento ni Israel.

"Boring ba? Eh maganda nga kasi 'di ba parang may halikan..." pabulong na sabi ni Cecille.

"Why don't you change the characters? Tracey will play as Lena," sabi pa ni Israel at tiningnan ako.

"Teka... Akin ang role na iyon ah?" Nagtatakang pinasadahan ng tingin ni Cecille ang hawak na papel.

"Kaya ako nagrepresentang ako si Lena kasi sa simula palang ng kwento namatay agad ito. Hindi ako masyadong magaling umakting kaya ito ang sinabi kong karakter ko sa kwento..." dismayado niya pang sabi.

"Okay lang sa akin na ako si Maria, Rinka. Dula lang naman ito eh... At baka mahirapan kana kung babaguhin mo pa iyong characters," paliwanag ko na mabilis na ikinadilim ng mga mata ni Israel sa akin.

"You're just going to change the cast. Hindi iyon mahirap," sagot niya pa sa akin at nakapaskil na naman sa mukha ang kagustuhang dapat masunod ang kanyang gusto.

"Hindi ka naman kasali ah?" marahan kong sabi sa kanya na ikinagulat ng mukha ng aking mga kaibigan.

Nagulat rin naman ako sa aking sinabi at ngumuso nalang. Hindi ko lang nagugustuhan ang pangingialam niya.

"There's a kissing scene. You're comfortable with it?" Naninimbang ang tanong niya.

Hindi pa ako nakakasagot, nagsalita agad siya.

"Dahil ako, hindi ako komportable," ani Israel sabay tapon ng marahas na tingin kay Roel na napaatras at nasindak.

"Eh bakit? Ikaw ba ang hahalik kay Roel para hindi ka komportable?" tanong ko pabalik.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon