Chapter 34

43.4K 1.3K 167
                                    

Panauhin

Para na akong hihikain habang tumatakbo ako ng mabilis palayo sa kanya. Ilang sandali lang ay narinig kong muli ang yabag ng kanyang kabayo na humahabol na kaya doon ako mas ginapangan ng matinding kaba.

In just a split second, he maneuvered his horse skillfully and blocked my way in front of me. Mabilis akong napahinto kasabay ng mga buhok kong sumabay rin sa aking galaw at mabilis ring nalaglag dahil sa biglaan kong paghinto.

My eyes widened in horror. Nakatingala na ako sa lalakeng mariin ang hawak sa pisi ng kanyang kabayo at hindi nagbabago ang ekspresyon. Napalunok ako ng laway, hindi alam kung ano ang gagawin.

His grip loosened. Tiningnan niya ang aking suot at hinagod ako ng tingin. Hindi katulad ng tingin noong lalakeng kaklase ko, hindi katulad ng tingin ng iba, iba ang panghahagod ng kanyang mga mata sa akin.

And I...would always find comfort in his eyes, in spite of their intensity. In spite of his darkness. That no matter how dangerous his demeanor is, I felt safe because it's...him.

"C-Condolence pala..." sambit ko sa nanginginig kong mga labi.

Tumango siya. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang biglaang pag-iba noon. It looked so lifeless.

"Are you okay?" tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, pag sasabihin kong okay lang ako ay tatraydurin agad ako ng mga luha ko. Ni hindi ko alam kung dapat bang itanong niya iyon sa akin. Alam ko namang gusto niyang malaman ang tungkol kay Kuya pero anong magagawa ko... mas matimbang ang pamilya Israel.

"A-Aalis na pala ako..." tanging sinabi ko at lumiko na sa ibang direksyon. Ni hindi ko mabigkas ang salamat sa ginawa niya kanina. Pakiramdam ko kasi dapat ay may kapalit rin iyon...

"Ang kapatid mo..." bigkas niya na ikinatigil ko at naging yelo na sa aking kinatatayuan.

"Where can I find him?" tanong nito sa desperadong boses na nagpalamig sa akin. Mas nanlabo ang aking mga mata. Gaganti ba talaga kayo, Israel?

"Di naman kasalanan ni Kuya ah..." sagot ko sa mahinang boses at nananalangin nalang na sana ay marinig niya.

"Bakit niyo ba sinisisi sa k-kapatid ko..." Tumaas baba agad ang aking mga balikat at napayuko na ako dahil sa pagkabasag ng aking boses.

Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.

"D-Di naman g-ginusto ni Kuya ang n-nangyari kay Ate R-Rici... Alam ko... N-Naniniwala akong mahal na mahal niya si A-Ate Rici..." Marahas na tumaas baba ang aking balikat dahil sa emosyon kong pinapangunahan ako.

Hindi ito sumagot sa aking likuran. Ni hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Ang tanging naiisip ko lang ay iyong narinig kong sinabi ni Feli na gaganti sila sa amin, gaganti sila sa pamilya ko.

"Then tell your brother to talk to me. Gusto kong malaman ang totoo," sagot niya sa aking likod.

Ang sabi ni Mama, layuan ko raw sila. Ang sabi ni Mama, lalapitan nila ako para sa isang rason lamang. At sa ginagawa ni Israel, dapat ko siyang takbuhan. Dapat ay hindi ko siya pakinggan. Pero may parte sa akin ang sumisigaw na baka ay matulungan niya nga si Kuya. Na baka pag nalaman ni Israel ang buong istorya ay tantanan na nila ito.

Pero sa kabilang banda ay pinapangunahan parin ako ng takot. Paano kung isa lang ito sa patibong ng mga Buenaventura? Paano kung ako nga ang ginagamit nila para mapalapit sila kay Kuya?

"Do you know where he is?" tanong niya sa malalim na boses at mukhang bumaba na sa kanyang kabayo.

Umiling ako at mas grumabi lamang ang aking iyak sa aking mga palad.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon