Chapter 54

57.6K 1.5K 201
                                    

Chance

Iyon ang gawain ko sa Summer. Pinupuntahan ko siya sa kompanya kung masyado siyang busy. Ayoko namang panay siya cancel ng mga meeting o kung ano pang importanteng ginagawa niya dahil lang naroon ako at gusto niya akong asikasuhin.

Nakaupo ako sa kandungan ni Israel habang binubuksan ko iyong folders na nasa desk niya at tinitingnan iyon kahit wala akong naiintindihan. May tinitipa siya sa kanyang laptop habang ang kanyang baba ay namamahinga sa aking balikat.

"Sinabi mo na sa brat mong kapatid?" tanong niya bigla sa akin habang ang mga mata ay nasa laptop.

"Di pa eh... Di ko nga alam kung paano..."

"Just tell her I'm already in love with you since I was eighteen. And you were in love with me too since you were...sixteen?"

Sixteen ba? Hindi niya alam na...kahit noong hindi pa siya eighteen at high school pa lang, may lihim na akong atraksyon sa kanya. Siya lamang ang nagustuhan ko noon sa Bukidnon. Ang mga lihim kong mga sulyap sa kanya...

"Paano mo naman nasabing in love na ako sa'yo noong sixteen ako?"

He shrugged. "I felt it. Kaya kayo madalas balik nang balik sa lupain namin dahil crush mo ako. Kaya ka nandoon sa batis dahil sinusundan mo ang crush mo."

Nalaglag ang panga ko. "Hindi ah! Nagkataon lang 'yong sa batis! Ang feeling mo!" natatawa kong sabi.

"Well then...during those times I caught you peeping?"

"Mga mangga nga ang sadya namin doon! At gusto lang din nilang kumpirmahin kung...totoo bang nanunungkit ka—"

"There. You went with them because you want to see your crush."

Natawa ako. Pag galing kay Israel tunog mayabang kahit totoo naman.

"And you told the brat you can't remember your first kiss, huh? Crush na crush mo nga..." tukso niya.

"Ayaw ko lang talagang maalala... Pero worth it naman 'yon." Pag-amin ko.

"It's worth it since it was me who kissed you not just anybody," mayabang niyang sabi na ikinatawa ko ng marahan.

"Yabang..."

Nilingon niya ako, inangatan ng kilay saka bumaba ang tingin sa leeg kong nakamuwestra sa kanya lalo na't nakahigh ponytail ang aking buhok saka niya pinatakan ng halik.

"Oo nga pala... Bukas di ako makakapunta rito ha," sabi ko na ikinatigil niya sa pagtitipa roon.

Humilig siya sa kanyang swivel chair at hinaplos ang aking pisngi.

"Why?" Nagkasalubong ang kanyang kilay habang mataman na ang tingin sa akin.

"May lakad kami ni French eh. Bibili kami ng school supplies... Isang linggo nalang klase na ulit namin, Israel."

"Kung ganoon, sasama ako." Kinuha niya sa akin iyong hawak kong folder saka niya iyon inihagis sa desk niya.

"Hindi pwede!" agap ko agad at nahawakan ang dalawa niyang pisngi.

"Hindi pwede Israel..."

"That brat again?" He raised his brow at me, ang mga mata ay lumalalim na ang paninitig sa akin.

Ngumuso ako at tumango.

"Next time nalang tayo magkita please. Pwede sa simula nalang pasukan? May mga vacant time naman ako 'tsaka si French... walang kasama sa bahay eh. Panay na ako lakad." Sumimangot ako sa kanya.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon