Chapter 43

48.7K 1.4K 150
                                    

Avoid

Kahit noong makarating na kami sa Bar ay nagtatalo parin ang dalawa. Ang ingay ingay ni French at tumahimik lang noong pumasok na kami sa entrance ng Club Echelon.

Isang napakalakas agad na tugtog ang sumalubong nang buksan na noong dalawang boucer ang pinto at pinapasok kami.

"Hey guys!" Bati ni French sa mga nakilala niya sa loob.

"Knew it! French!"  Iyong babae na may suot na tube top at highwaist short ang nakipagbeso beso sa kanya.

"Join us, Trace!" Tawag noong isa sa mga kaibigan ni French.

Bumalik ako sa aking sarili at sinisenyasan narin ako ni French na tumabi sa kanya.

Pinalibutan nila iyong pabilog na babasaging mesa at may mga inumin pa.

Nawala narin ata si Kuya Brennan sa kumpol ng mga tao at hindi ko narin alam kung saan nagsuot. Siguro may mga kaibigan rin siyang nandito.

"How I wish nandito iyong crush ko!" sabi pa ni French habang nagsasalin ng inumin na may pangalang Black Label.

Binigyan ako ni French na tinanggap ko saka niya rin itinuon ang tingin sa mga kaibigan niyang naghahagikhikan na.

"Ang hot nga niya, French! I saw him sa labas ng school and everyday siyang nandoon! Always perfect attendance tuwing hapon!" Iyong nakaponytail at may suot na parang bra nalang dahil nakikita na ang pusod at itim na skirt.

"Gosh! I almost melt down when our eyes met! And he's even talking to me eh sabi nila suplado daw! Di daw nakikipag-usap!" pagmamayabang ni French hawak hawak na iyong maliit na shot glass.

"I'm sure he has a crush on you, too, French! Landiin mo!"

"Well... If he's here I'm going to make a move talaga!" Tumawa si French at nilagok iyong hawak niyang drink.

"Cr lang muna ako, French." Tumayo ako na ikinatango niya naman.

Pagkapasok ko sa cr ay inayos ko agad ang aking damit. Bumuntong ako ng hininga noong naalala ang topic nila tungkol kay Israel. Lahat sila ay nabihag agad ng lalakeng iyon... Ganoon lang kadali! Kumain lang siya ng fishball sa labas ng eskwelahan nagkagulo na agad!

Hindi ko rin sila masisisi. Kahit saan naman yata ilagay si Israel, lagi siyang agaw-pansin at nangingibabaw ang tindig.

Nailing ako at nagretouch nalang. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Lumabas rin naman ako ganoon narin ang pagsipa ko palabas noong mga pinag-iisip ko. Pagbalik ko sa lugar kung saan ko iniwan sila French ay wala siya roon! Nataranta agad ako at isinuyod ang tingin sa paligid.

Tumigil bigla ang aking tingin nang mahagip ang pamilyar na tindig ni Israel. Nakasuot ng itim na v-neck t-shirt bilang panloob, denim jacket na talagang bagay na bagay sa kanya, at ang nakaatras niyang buhok habang may nalalaglag at nagrerebelde.

His eyes were so intense that...the darkness from the past made me recall why I'm here.

Napalunok ako ng laway at parang mabubuwal sa aking kinatatayuan nang hinagod niya ako ng tingin at mabilis ulit na ibabalik sa aking mukha. Umatras ako at hindi namalayang may tao na pala sa aking likuran.

Nilingon ko agad ito para makahingi ako ng despensa.

"Sorry..." Kabado kong sabi sa lalakeng iritang irita pero nang makita ako ay unti-unting napakurap at umamo ang mukha.

"Okay lang, Miss..." Humagod ang kanyang mga mata sa akin.

"Oh there you are..." May biglang humapit sa aking beywang at hinila agad ako papalapit sa kanya. Nalaglag ang aking tingin sa malaking kamay niyang nasa may tiyan ko na at nakahawak doon.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon