Chapter 3

49.3K 1.5K 342
                                    

Trouble

Sumilip ako ng kaonti sa labas at nakita ang imahe niyang kausap na ang kanyang kapatid na babae. Nakasimangot iyon at parang may sinasabi kay Israel na ikinaangat ng makapal at maitim niyang kilay.

Inakbayan niya iyon saka niya iginiya sa paglalakad na mas lalong nagpasimangot kay Ate Rici. Napabuntong ako ng hininga at medyo nabunutan ng tinik dahil sa kanyang pag-alis. Oh 'di ba Trace? Umalis rin... Baka naman nakalimutan niya na iyong kahapon? Pero nagsorry naman ako ah? Wasn't that enough for him?

Lumabas akong muli at saktong nakita si Kuya Bram na lumilingon lingon na. Napangiti agad ako at kinawayan ito.

"Kuya!" Nagmamadali akong lumabas.

Lumingon siya sa akin pero lumingon muli sa ibang dako. Ginagawa lang yata akong alibi para sunduin pero iba talaga ang sadya niya rito!

Hinatid ako ni Kuya sa bayan. Umalis rin naman ito at nagpaalam na pupunta siya roon sa kanyang part time job.

"May part time job si Kuya, Ma?" tanong ko nang alisin ko rin ang aking mga mata sa likod ni Kuyang lumalayo na.

Tumango si Mama habang inaayos iyong mga naiwang bulaklak sa bangketa.

"Oo may part time job siya. Mukhang madami nang gastusin sa eskwelahan kaya nagsisikap rin na magkapera ang kuya mo... Mamayang hatinggabi pa ang uwi noon," sabi ni Mama habang ang tingin ay nasa maliit niyang bag at binibilang na ang kinita niya.

Hinubad ko ang maliit kong bag at umupo na rin. Kinuha ko iyong iilang bulaklak na hindi pa natatalian ni Mama. Hindi kaya nagtatrabaho si Kuya dahil may pinag-iipunan siyang ibang bagay? Napapansin ba siya ni Ate Rici? Sa dami rin ng manliligaw noon at mga may kaya pa... malabo atang mapansin niya ang aking kapatid.

"Ikaw muna magbantay rito ha. Mamamalengke ako ng mauulam natin. Ito ang panukli mo. H'wag na h'wag kang magkakamali kundi babawasan ko talaga ang baon mo," pagbabanta niya sa akin habang tumatayo na.

Tumango ako kay Mama. Madali lang naman ang manukli. Ano pang silbi ng pagiging Top 1 ko sa klase kung pati sa ganito ay hindi ako marunong. Scholar ako at kailangan kong pagbutihan sa pag-aaral kaya sinisikap ko talagang manguna.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bulaklak na nakagapos at napakagandang tingnan. Kinuha ko iyong tulips at inayos ang pagkakatali noon. Mahilig ako sa bulaklak dahil narin ito ang bumubuhay sa amin. Sa likod ng aming bahay ay may mga tinanim kaming bulaklak roon para mapagkakitaan namin at maibenta sa bayan. Minsan mabagal ang kita pero minsan ay malaki rin naman, sapat lamang para makaraos kami isang araw at makabili ng pagkain.

May tumunog na yapak ng kabayo na ikinakuha ng aking atensyon. Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang may sakay roon. Naka itim na vneck tshirt si Israel at denim pants. Kahit simple lang, maaamoy mo talaga na galing siya sa prominenteng angkan kahit wala kang alam na Buenaventura siya.

Mabilis akong yumuko at itinago ang aking mukha. Kinuha ko pa ang aking maliit na bag para itakip sa mukha ko. Gusto kong tumayo at umalis agad sa pwesto pero malalagot rin ako kay mama pag iniwan ko ang aming paninda! Hindi niya naman siguro ako mapapansin, 'di ba? Oo Tracy hindi ka mapapansin-

"Hi Israel!" Narinig ko ang iilang babaeng bumati at nasundan ng bungisngis.

Dahan dahan kong inalis ang bag sa aking mukha at nakita agad si Israel sa harapan ng paninda namin. Nakabulsa ang mga kamay, nginisihan saglit ang mga babae at nanunuya pa rin ang ngiti nang bumaling sa akin.

Umangat ang kanyang kilay. Sa paraan ng paninitig niya, alam ko ang ikinakagalit niya.

"You almost break my..." he trailed off and eyed his thing. Namula naman ang aking pisngi at sinikap na hindi mapatingin roon.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon