The Untold Part

75.2K 1.7K 322
                                    

Untold Part of Israel Buenaventura

"This is so not you, Es... Getting interested with the family business." Tinawanan ako ng aking ina nang dumalaw ito sa aking condominium sa umaga ng Biyernes.

"Noong pinalago mo ang lupain ay bumilib na ako. At ngayon na nagtatayo ka ng sarili mong business dito sa syudad ay humanga ako. And now... Ito namang business natin na noon ko pa pinipilit sa'yo na hawakan mo ay interesado kana rin... What's the sudden change?"

Mom was right. Di naman ako mahilig sa mga ganito noon. I don't even care about our business. Ni wala akong plano sa kinabukasan ko. Pero sa mga nangyari, may nagpabago rin ng isipan ko. Someone made me change to be a better person.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang nakahilig ako sa countertop at pinagmamasdan itong naghahanda ng pagkain.

"I'm into business now, Ma," sabi ko.

Mom's connection in Chinese businessman is wide. Friendly ang aking ina at nakikipagsalamuha sa mga business tycoon rito sa syudad, kadalasan ay mga katulad niyang Chinese. When it comes to my Dad, she's more approachable.

Nililingon ako ni Mama at interesadong interesado ang kanyang mukha dahil sa pagtatanong ko sa business. It's not just a business. I want to know if she knows the Chua family.

"Marami ka bang kaibigang Chinese rito? You know... Pure bloods, Half..." Tinitigan ko siya ng mataman.

"Hmm... Pure bloods, yes marami naman. Lim, Yap, Chua, Ong... Marami." Naglagay siya ng kubyertos sa gilid ng plato na ikinaangat agad ng aking kilay.

Chua. There... My girl's new surname.

Napatayo na ako ng tuwid at umupo narin doon sa kanyang harapan.

"Iyong mga Chua," direkta kong sabi sa kanya. "Tell me about their fam, Ma."

My mothers brows furrowed while she looked so confuse. Sumubo ako at ibinalik agad ang kanyang mga mata sa kanya na ngayon ay nakaupo narin.

"They're my close friends. Brenda and Liam are my close friends," aniya.

"Eh 'yung mga anak... Babae..." dagdag ko pa.

Naningkit bigla ang kanyang mga mata na may mas ikakasingkit pa pala.

"Israel Buenaventura. Aren't you too old for being an asshole? Pati anak ng mga babaeng kaibigan ko ay papatulan mo na? And I thought graduate kana sa pagiging higad mo?"

"I just want to find a wife, Ma. And Chinese people are fond of fix marriage. Baka makahanap ako sa mga kliyente mo, sa mga chinese na kaibigan mo." Sa mga Chua.

"What?! You know what happened to your sister. Di ko na pahihintulutan ang fix marriage. Nagsisisi ako sa bagay na iyon kung ba't kailangan pang mangyari iyon kay Rici..." Nailing si Mama at nahilot na ang sentido.

Rici's death brought a scar into our lives. Kahit ako ay sising sisi kung ba't di ko nagampanan ang pagiging matandang kapatid ko sa kanya.

Tracey's brother, Bram, isn't suspecious from the start. Siguro itong kapatid ko ang may gusto talaga sa kanya, as what I found out. My sister has lots of stalkers, secret admirers, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya noong highschool siya.

Wala namang nangangahas kaya ganoon nalang ang galit ko noong una nang malaman ko iyong tungkol kay Bram.

"Did you put some make-up?" Tiningnan ko ang pagmumukha ng kapatid ko sa likod ng sasakyan sa lunes ng umagang iyon.

Papunta kaming dalawa sa eskwelahan at nauuna siyang ihatid. Ang Grabe Ten na babaeng ito ay naglalagay na ng make-up.

"Kuya... Normal lang naman sa girls ang nagpapaganda and such," sabi niya habang may kinakalkal sa kanyang bag na nasa kanyang kandungan.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon