Chapter 5

49K 1.5K 419
                                    

Ang mangga ni Israel

Hinatid akong muli ni Kuya. Alam ko naman para saan iyon. Ngunit ang makita ang kotse nila Ate Rici at kung paano doon naunang bumaba si Israel sabay akbay sa kapatid niya madilim ang tingin sa amin, hindi ko maiwasang malungkot rin para kay Kuya. Mukhang binabakuran na ni Israel ang kanyang kapatid para hindi mapalapit sa aking kapatid.

Wala ako sa sarili papasok hanggang hindi ko namalayan na may tao pala. Ang pabango palang na nanuot sa aking ilong ay alam ko na agad kung sino iyon. Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng seryosong seryoso ang mukha.

"S-Sorry..." Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagtungo sa kabilang direksyon pero nagulat nalang ako nang humarang siyang muli roon.

Napakurap ako at tiningala ito. Kalmado lamang ang kanyang ekspresyon. Ano na namang ibibintang niya sa akin? Na kahit ito sinasadya ko para magpapansin sa kanya? Eh...siya na nga yata itong nagpapapansin sa akin!

"Trace!" tawag sa akin ng kung sinong pamilyar na boses.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang tatlo na nagulat agad nang makita si Israel sa aking harapan.

Natigil sila sa paglapit sa akin. Ngumuso ako at nilingon muli ang lalakeng wala parin atang umalis sa aking harapan.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko, nagbabaka-sakali na baka bawiin niya ang sinabi niya noong nasa batis kami.

Narinig ko ang mga yapak ng kaibigan kong lumapit na rin sa akin. Nasa aking likuran na ang tatlo at mukhang nakikiusyoso.

"Gusto mo ng mangga?" tanong niya bigla sa akin na ikinasinghap ng tatlo sa aking likod.

One thing about Israel Buenaventura, his dangerous stance cannot be trusted. Kaya ngayong nagiging mabait siya bigla, pakiramdam ko, may balak siya. Hindi naman siya mukhang nakokonsensya.

"Oo, gusto namin!" si Cecille sa maligalig na tinig at ngayon ay nakahawak na sa aking braso.

Umangat ang kilay ni Israel at mukhang iba na ang tingin sa aking mga kaibigan. Ibinaling niya ulit ang mga mata sa akin.

"Pumunta lang kayo sa lupain kung gusto niyong kumain ng mangga. I'll wait..." sabi niya saka rin umalis sa aking harapan.

Sabay naming sinundan ng tingin ang likod niyang umalis rin habang nakapamulsa. Laglag panga naman si Rose habang ang dalawa ay ilang sandaling natulala.

Ngumuso ako at hindi alam ang mararamdaman. Natutuwa ako na natatakot. Masyadong misteryoso... Nakakapanibago.

Nang mawala na ng tuluyan ang likod ni Israel ay sunod sunod na silang napatili. Niyuyugyog ako ni Rinka na kahit si Rose at Cecille ay para ng mga uod na inasinan.

"Narinig mo 'yon Trace?! Iniimbitahan niya tayong kainin ang mangga niya!" Mas inalog ako ni Rinka.

"Israel 'yon, Trace! Israel! As in Buenaventura!" si Cecille na para bang kailangan niya pang ipaalala sa akin.

"'Yun na nga! Buenaventura mga gaga! Eh kilala natin ang ugali no'n! Oo guwapo 'yon pero kung naging tao si satanas, siguradong si Israel 'yon sa sama ng ugali no'n!" si Rose.

"Ay hindi ba dahil hot siya?" Hagalpak ni Rinka.

Somehow, Rose has a point. Bumagabag iyon sa isip ko habang si Cecilla at Rinka ay atat na pumunta sa kanilang lupain. Sino bang hindi matutuwa kung mismong si Israel na iyon? Ang ninanakawan nila ng bulok na mangga ay kusa nang nag-aalok. Kusa nang namimigay.

Bakit nga naman bigla bigla? Naalala ko, galit siya sa akin, sa amin ni Kuya. Pinagbibintangan niya kami ng kung ano ano. He was treating me like he hates me to the core. He's never gentle. Kaya ngayong bigla siyang lumambot...nakakapanibago at nakakapanduda.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon