Chapter 24

44.5K 1.4K 591
                                    

Masyadong Mabilis

"Kuya!" tawag ni Ate Rici kay Israel na lumabas na ng classroom pero di niya man lang ito nilingon habang dinaluhan niya si Feli at pinatahan doon sa loob.

Gusto kong magpasalamat sa ginawa ni Israel dahil nilinis niya ang aking pangalan pero may parte sa akin ang mas natatakot. Baka lumala lamang ang sitwasyon. Pag-iinitan ako lalo ni Feli, ng mga estudyante rito...

"Nasaan na 'yung mga nambibintang na magnanakaw si Tracey nang maipatumba natin kay Israel," narinig ko pang sabi ni Rinka at isa lang rin sa mga estudyanteng nakikiusyoso rito.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang huminto rin naman si Israel sa aking harapan, seryoso ngunit kalmado parin ang ekspresyon.

May dinukot si Israel sa kanyang bulsa saka niya muling inilabas ang kwintas. Para akong napako sa aking kinatatayuan nang isuot niya iyong muli sa akin na puno ng pag-iingat. Na nararapat ko iyong suotin.

"Don't take this off. This necklace belongs to you. Do you understand?" Tumagilid ang kanyang ulo habang tinatanong iyon sa akin.

Tumango ako at ramdam ang paninitig ng lahat sa amin.

"M-Maraming nanonood..." Mahina kong sabi sa kanya para awatin na ito.

Natapos na siya sa paglagay noon at ngayon ay hawak hawak niya na iyong pendant habang malalim ang tingin sa akin.

"So what?" sabi niya pa sa akin.

"Pag-uusapan nila ito..." paliwanag ko at halos ibulong nalang iyon sa kanya.

Umangat ang kanyang kilay at binasa ang pang-ibabang labi.

"Then let them see that you own me," sabi niya sa baritono niyang boses na ikinasinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin.

Impit na tili ang pinakawalan nila Rinka at pinagyuyugyog ang isa't isa.

"And for those who will create some stupid rumors about her... Make sure I'm not going to know it or else..." Matalim niyang iginala ang tingin sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa amin.

Namula ako at lumunok.

"Sila ba?"

"May relasyon sila?"

"Binigyan siya ng ganoon kamahal na kwintas ni Israel. Akala ko iyong kuya niya lang at si Rici ang may relasyon. Sila rin pala?"

Rinig na rinig ko sa aking likuran ang pag-uusap ng iba.

"T-Tara na..." Marahan kong itinulak ang kanyang dibdib para umalis nalang siya roon. Baka malate rin siya sa kanyang klase! At ayoko ng dagdagan niya pa ang mga pagbabanta niya!

Nang hindi ko siya masyadong matinag ay iyong kamay niya na ang aking hinila at humakbang na ako ng malalaki. Nilingon ko ito sa aking likod. Nagpapahila lamang ito sa akin habang kalmado ang kanyang mukha. Ngumuso pa ito at nagpipigil ngumiti. Nagagawa siyang magsaya sa oras na pinapasabog niya ako sa kaba!

May iilang estudyante kaming nalalagpasan na tumitigil pa talaga sa paglalakad at nalalaglag ang panga sa lalakeng hinihila ko. Para siyang bata na nagpapatianod lang sa panghihila ng kanyang ina at handang sumunod sa kahit saan siya nito dalhin.

Doon kami doon sa likod ng gate. Puno nalang ang naroroon at paliko pa iyon para makapunta sa mismong front gate ng eskwelahan pero pwede rin naman siyang dumaan dito.

"Dapat hindi mo 'yon ginawa kay Feli..." panimula ko habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa kamay namin.

"Do what?" wala sa sarili niyang sabi.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon