Epilogue

120K 3K 1.1K
                                    

You are at the end of the story. Thank you for making all the way here. Salamat sa suportang ibinuhos niyo sa Shade of Love na bigla bigla ko nalang ibinagsak. Happy reading, iryss!
------------

Paradise

"Ma'am! Ang mga kabayo po sa rancho! Pinakawalan lahat ni Sir Dos!" sigaw ng katulong na nakukunsumisyon na naman sa aking ikalawang anak.

Natigil ako sa pamimili ng mga damit nang marinig ko ang sigaw na iyon.

I was preparing for the upcoming party later! Sa sobra kong kaba na baka hindi kami maging presentable sa dadaluhang party ay maaga na akong namili ng mga damit.

Mabilis akong bumaba sa hagdan. That eleven-year-old kid is really into troubles!

Nadatnan ko pa ang siyam na taong gulang kong bunso sa sofa, nakahilata habang may binabasang libro. He looks so bored na siya lang itong walang pakialam sa nangyayari habang nagkakagulo na ang mga tauhan sa labas dahil na rin sa nakikita kong repleksyon nila roon sa malalaking bintana rito.

"Ma'am! Nagtatakbuhan po ang mga kabayo sa may pananim!" sigaw na naman sa akin noong isa pang tauhan na ikinasinghap ko.

Oh no Dos Buenaventura!

Sumunod sa akin si Manang Aneng sa paglabas ng bahay. Binuksan nga ang tarangkahan at kahit ang malaking gate na kumukonekta sa mga pananim ay nakabukas kaya doon lahat dumeritso ang mga kabayo.

Dapat mga kahoy nalang ang ilagay roon at lagyan ng mga alambre kaysa naman gate! I'll suggest this to Israel.

Nagkalat nga ibang kabayo sa labas ng lupain at tumakbo na sa mga pananim. Some of the men where chasing after the horse. Iginala ko ang aking mga mata at hindi ko mahanap si Dos!

"Si Dos? Nasaan?" tanong ko sa tauhan na nahuli na iyong isang kabayo.

Nagkamot agad ito ng ulo.

"Nakisali sa pagdakip Ma'am. Tumatakbo na roon sa dulo." Ngumiwi iyong lalake na kahit ako ay nakagat na ang pang-ibabang labi.

Napatingin ako saglit sa mga pananim na naapakan ng mga kabayo. Ang isang linya ata ay parang dinaanan ng bagyo.

"Si Uno?" tanong ko naman.

"Ah... Sumali rin po, Ma'am. Nakasakay po siya sa kabayo niya..."

Nahaplos ko ang aking noo. Gusto ko ng tumakbo pabalik sa mansyon at tawagan si Israel na pasunurin na rito. Mamaya pa iyon dadating but I want him to come here right now!

Tuwing Summer ay dito niya binabagsak ang tatlo para hindi natututong gumimik sa syudad. The City is just too bad influence... Iyon ang sabi ni Israel. Mga bata palang rin naman sila at gusto ko ring makita nila ang ganda ng bukid. Kaso si Dos kahit saan ilagay ay kahit ano talaga ang naiisip.

"Okay lang po kayo, Ma'am Tracey?" tanong ni Manang Aneng sa akin na kanina pa nasa aking likuran.

Tumango ako at ngumiti ng hilaw. Mahihimatay na talaga ako sa mga kalokohan ng aking anak. Naging maayos naman ang pagbubuntis ko sa kanya. Para siyang nasasaniban ng kung ano!

Lumitaw rin naman ang aking panganay na dose anyos palang at papunta na sa aking direksyon. Umatras na ako palayo sa mga pananim para salubungin siya roon sa patag.

Si Uno ang kalmado kong anak at seryoso. He reminds me of Israel a lot pero pagdating sa pagiging marahas ang galaw ay nakuha na iyon ni Dos na palagi ring galit ang mga mata. Si Tres naman ang bunso ko na suplado at akala mo ay may sariling mundo. Namana niya sa akin iyong pagiging book lover niya at tahimik lamang.

Noon, pinangarap kong magkaroon ng babaeng anak. Pero tatlong lalake ang ibinigay sa amin. Katuwang ko naman si Israel sa pag-aalaga noon. Pero noong lumaki na sila ay kailangan na talaga ng mga katulong lalo na't puro pa mga lalake. Idagdag pa ang sobrang kakulitan ni Dos na daig pa ang dalawang bata!

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon