Chapter 21

41.5K 1.5K 193
                                    

Want

Pumasok kami sa cafeteria nang mapansin ko agad ang tinginan sa akin habang pumipila na kami para makabili ng pagkain.

"Ay nangangamoy bulok agad ang paligid..." Naiiritang sambit ni Rinka na ikinaangat ko agad ng tingin.

Napunta ang pares ng aking mga mata sa may bukana at nakita ang pagpasok nila Ate Rici kasama na naman ang tatlo niyang kaibigan. Isa na roon si Feli na taas noong naglalakad at nakabun pa ang buhok. Ito ata ang unang beses na nagawa niyang itali ang kanyang buhok ng ganoon.

Noong magtama ang aming mga mata ay may kung ano agad siyang hinawakan sa kanyang leeg. Noong sundan ko iyon ay nakita ko ang suot niyang kwintas at ang hinahawakan niyang kumikinang na pendant noon. Hindi ko masyadong makita kung anong klaseng pendant iyon dahil natatakpan rin ng kanyang kamay.

"Tara..." Sulpot ni Rose sa aming harapan at may biniling apat na sandwich.

Ibinigay niya sa amin iyon isa isa. Nagpasalamat naman agad ako at handa naring umalis bago pa kami madatnan ni Ate Rici rito kahit na nasa may gilid na namin sila.

"Hi Trace!" Kinawayan ako ni Ate Rici kaya napakurap agad ako.

"Hi Ate..." bati ko sa kanya at kinawayan narin ito kahit na tinutubuan ako ng hiya dahil sa mga matang nang-uusisa agad sa akin.

"Ang ganda ganda mo ngayon ah!" pamumuri niya at mas tumamis pa ng kanyang ngiti.

Nahihiya naman akong ngumiti at nakita kung paano umasim ang mukha ni Feli. Iyong dalawa niya namang kaibigan ang pumila at hindi na nag-abalang pagtuunan kami ng pansin.

"Alis na po kami, Ate," pamamaalam ko na ikinatango niya naman.

"Sige!"

Binalingan ko sila Rinka na matalim ang tingin kay Feli pero wala naman silang sinasabi. Umalis rin naman kaming apat doon dala dala ang aming pagkain habang silang tatlo ay dala dala narin ang iritado nilang mga mukha.

"Nasusuka na talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha ng inggratang iyon!" Halos bumaon ang mga paa ni Rinka sa sahig dahil sa pagmamartsa nito nang marahas.

"Kahit bagong taon na ay nanggigigil parin talaga ako sa babaeng iyan eh!" dagdag naman ni Rose.

Kahit noong lunch ay iyon parin ang pulutan ng kanilang pag-uusap. Nagpaalam nalang ako na pupunta ako sa library at babalik rin pag nagsimula na ulit ang klase. Mas gusto kong doon magbasa dahil walang disturbo at hindi pa ako maiilang sa mga paninitig ng iba sa akin.

Pumasok ako at nagtungo sa pasilyo kung saan nakalagay ang libro na gusto kong basahin. Total malapit na akong makatapos bilang high school... gusto kong magbasa ng advance sa kukunin kong kurso sa kolehiyo. Alam kong ilang taon pa bago ako tumuntong sa stage na iyon pero gusto ko ring maging handa. Gusto ko sanang magtayo ng sarili kong flower shop pagkatapos ng aking pag-aaral. Gusto kong magdesign ng mga magagandang bulaklak sa mga may kasal at kung ano ano pang espesyal na okasyon.

Kinuha ko ang librong may bulaklak ang cover noon sa harap saka ako nagtungo sa bakanteng upuan. Inilapag ko sa mesa iyong libro saka ko pinasadahan ng haplos ang aking palda pababa saka ako umupo roon.

Paglaki ko, gusto kong mamuhay sa simpleng bahay at napapaligiran ng magagandang mga bulaklak. Kahit doon lang rin sa lupain namin itayo iyong magiging simpleng palasyo namin ni Mama. Alam kong si Kuya ay magkakaroon rin ng sarili niyang pamilya at balang araw ay bubukod rin sila noong mapapangasawa niya. Sana nga ay si Ate Rici iyon. Sana maipaglaban nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan hanggang dulo.

Ako kaya? Anong klaseng pag-ibig ba ang naghihintay sa akin? Meron na ba? Nakilala ko na ba iyong lalake? O kailangan ko munang dumaan sa ibang lalake at masakpan para matuto. Ano kaya ang plano ng langit sa akin? Kasingganda ba iyon sa mga nababasa ko sa libro? O kasingpait lang rin ng napapanood ko?

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon