Chapter 35

45.2K 1.4K 215
                                    

Puntod ni Ate Rici

Nakasuot ito ng itim na jacket suot ang hoody at may bag ring suot. Ang madilim niyang ekspresyon ay nakakapanibago at ang mga mata niyang walang buhay pero kinain ako ng aking saya at mabilis siyang niyakap.

"Kuya!" Halos idiin ko ang sarili ko sa kanya. Umangat pa ako ng bahagya dahil sa pagyakap niya pabalik sa akin.

Iginiya ako papasok ni Kuya saka niya isinara ang pinto. Humiwalay naman ako at maluha luha siyang tiningnan. Pagod siyang ngumiti sa akin.

"Si Mama?" tanong niya at iginala ang tingin.

"Tulog na po si Mama Kuya. Matutuwa iyon pag nandito kana ulit!"

Hinubad niya ang kanyang bag at ipinasok niya iyon sa kuwarto. Hinubad niya narin ang suot niyang itim na jacket at tanging puting cotton shirt nalang na fit sa kanya ang naiwan. Di ko alam pero parang ano... ang cold ni Kuya.

Inangat niya ang kanyang pulso at tiningnan doon ang mamahalin na relong suot. Sigurado akong mahal iyon dahil narin sa hitsura nito. Nakikita ko iyan minsan sa mga magazine na tinitingnan ko tungkol sa mga fashion trends. Kahit ang suot niyang sapatos... Iyong may check sa gilid... alam ko mahal iyan ah?

"Anong oras na oh? Matulog kana ulit," sabi niya sa akin na ikinasimangot ko. Gusto kong makipag-usap sa kanya! Di na ako inaantok. Gusto kong malaman kung saan siya nagpunta at bakit ganito na siya kagara. Imposible namang naging milyonaryo agad ito sa loob ng dalawang buwang pagtatrabaho at ngayon ay puro na mamahalin ang kanyang suot.

"Pero Kuya-"

"Bukas na tayo mag-uusap Trace. Matulog kana," sabi niya sa akin na ikinanguso ko.

"Baka... Paggising ko... W-Wala kana sa bahay..." bigo kong sabi na ikinabasa niya ng kanyang mamula mulang labi.

"Di ako aalis. Sige na... Matulog kana ulit." Sinenyasan niya pa akong pumasok habang ang isang kamay ay nasa baywang.

Kahit na ayaw ko ay tumango nalang ako.

"Goodnight, Kuya." Nilapitan ko ito at hinalikan ang kanyang pisngi.

Tumango naman siya at isang tipid na ngiti ang ibinigay. Tinitigan ko sandali ang kanyang dimple pero kalaunan ay umalis rin ako at nagtungo na sa aking kuwarto.

Hindi agad ako dinalaw ng antok. Gulong gulo ang aking isip at ang dami kong tanong.

Pero sa kabilang banda ay may inaalala rin ako. Mananatili na ba ulit siya rito? Paano kung puntahan siya ng mga Buenaventura? Bakit bumalik si Kuya? Dahil ba sa amin ni Mama o may ibang rason pa siya?

Nakatulog ako sa mga katanungang bumabagabag sa utak ko. Bumara na iyon sa aking utak at di ko matanggal tanggal dahil wala akong maisagot roon, wala akong maipangtulak. Nagising nalang ako kinaumagahan ng Sabado na nagbubunganga si Mama.

"Ba't ka naman bumalik kung maganda na pala ang buhay mo roon! Ano, para isumbat sa akin, Bram?! Para sisihin ako? Dahil hindi ko agad sinabi sa'yo?!"

"Hindi sa ganoon Ma-"

"Pero iyan ang pinapalabas mo! Na dapat ay maaga kong sinabi edi sana marangya ang buhay niyo ngayon ng kapatid mo at hindi naging hadlang ang estado sa inyong dalawa ni Rici!" sigaw ni Mama na nagpatayo agad sa akin sa pagkakahiga.

Binuksan ko ang pinto at sumilip doon ng kaonti.

"Hindi ko sinabi sa inyo dahil alam kong kawawa rin kayo kay Brenda!"

"Mabait si Tita Brenda, Ma!" giit ni Kuya.

"Mabait?! Noong nagkasakit ka, noong pinuntahan ko ang Papa mo para manghingi ng pera pampagamot sa'yo, pinagsalitaan niya ako ng masasakit! Kabit ako, Bram! Kahit saang anggulong tingnan, ako ang lalabas na masama! Ako ang nakikisawsaw at ako ang naninira ng pamilya! Tingin mo... Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang babaeng nabuntis ng ama mo kapalit noon ang pagkasira ng kanilang pamilya?! Tingin mo masisilaw ako sa pera?! Pasensya na Bram kung mas pinili ko kayong itaguyod at ibigay ang pamumuhay na hindi nararapat sa inyo! P-Pasensya na kung... kung ito lang ang kaya kong ibigay..." Nanlabo agad ang mga mata ni Mama at bigong tiningnan si Kuya.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon