Chapter 27

41.7K 1.6K 275
                                    

Valentines Day

"Oh? Ba't nakabusangot ka ata?" Sinilip pa ni Mama ang aking ekspresyon nang pumunta ako sa bayan para tulungan siya.

"A-Ah... Wala po." Iniwas ko iyon at pasimple nalang na inayos ang dalawang natitirang bouquet na bulaklak.

Anong sinisimasimangot mo Trace? H'wag ka nga kasing umasa sa lalakeng iyon. Purket niyakap ka lang sa madilim... Sa likod ng bahay niyo... Magaling sa salita ang mga lalake!

"Baka may boyfriend kana ha. Trace pag-aaral muna at h'wag ka munang tumulad sa Kuya mong higad!" Lumukot pa ang ekspresyon ni Mama na ikinatawa ko.

"Grabe naman iyong higad Ma..."

"Aba'y totoo naman. Makati iyang kuya mo. Kung babae pa iyan nabuntis na talaga." Naiiling niyang ipinasok ang mga perang inilagay niya sa bangketa sa loob ng kanyang bag.

Tinulungan ko si Mama sa pagbebenta. Puti at pulang rose na bulaklak nalang ang natitira dahil narin siguro may pagka mahal kaya hindi agad nabenta ni Mama. Medyo malapit naring gumabi at mukhang malapit nang mag-alas sais.

Nakarinig ako ng yapak ng kabayong naglalakad na mabilis kong ikinalingon.

Hindi nga naman ako nabigo nang mapatunayan kong tama nga ang aking hinala. Si Israel ang nakasakay doon at katulad noong nakasanayan niyang suot ay iyon rin ang kanyang suot ngayon. I still memorized how he love to style his hair in a low disheveled man-bun.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

Huminto siya sa aming gilid na kahit si Mama ay napatingin narin sa kanya. Nagtungo ito sa amin hila hila ang kanyang kulay puting kabayo.

"Bulaklak po, Sir?" Ngumiti agad si Mama. Ako naman itong yumuyuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri.

May pinulot siyang bouquet na rose.

"Ah six hundred lang 'yan, sir..." Pagpepresyo ni Mama.

"Pwede bang balutin ito? I want a big bouquet and just include the remaining flower," sabi niya na ikinaangat agad ng aking tingin. Masyado naman atang magarbo?

Wala sa akin ang kanyang mga mata at nasa bulaklak na inilalahad niya kay Mama.

"Ah ganoon ba... Sige aayusin ko Sir!" Maligalig na sabi ni Mama at inasikaso agad iyon. Halatang tuwang tuwa na ito dahil naubos na ang paninda niya.

Binasa ni Israel ang pang-ibabang labi at hindi man lang ako nililingon. Na parang hindi niya ako kilala at ang sadya lamang dito ay ang bulaklak.

Oo nga pala... Valentines Day bukas. Tama nga iyong narinig ko kay Feli. May babae na nga ito. Bibigyan niya pa ng bulaklak.

"Para sa girlfriend, Sir?" Ngumisi pa si Mama habang tinatanong iyon at inaarrange nang maayos ang pinaghalong puti at pulang rose. Pinapalibutan ng mga puti iyong pula.

"I don't have one," sagot ni Israel sa baritonong boses, ni walang ngiti ang humaplos sa labi.

"Ah... Nililigawan?" ganadong tanong naman ni Mama.

"That's for my future wife," sagot ni Israel at nilingon ako.

Mabilis na uminit ang aking mga pisngi. Si Mama na yumuyuko ay napabungisngis pa.

"Trace paabot nga ako noong pulang ribbons," utos niya sa akin kaya natataranta ko iyong kinuha.

"'Tsaka iyang plastic na wrapper at pink na paper mache, Trace... Iyang may black na stripes..."

Kinuha ko agad iyon. Mukhang espesyal nga ang pabulaklak niya. Malalanta lang rin naman iyan. Masisira lang rin. Gagastos pa talaga...

Noong matapos na iyon ay inilahad rin naman ni Mama sa kanya. Ang ribbon noon ay curly pa ang dulo. Masyadong maganda ang bulaklak at sa amin niya pa talaga binili tapos ibibigay niya lang sa iba. May nagbebenta rin naman ng bulaklak sa dulo ah? Ba't di siya roon namili?

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon