Chapter 60

61.1K 1.6K 139
                                    

One Mistake

Hindi ko nalang binanggit kay Israel ang naging sagutan namin ni French sa classroom. Hindi ko rin alam kung anong plano niya sa aming dalawa ni Israel. Umiiwas nalang ako sa kanya sa eskwelahan lalo na't hindi niya rin naman ako pinapansin.

Noong matapos ang midterm, nangako si Israel sa akin na magbabakasyon kami sa isang Resort kaya naging ganado ako.

Pinagliligpit ko ang mga dadalhin ko sa pupuntahan naming Resort. Isang long dress na straps ang ipinasok ko sa maliit kong bag at mga sunblock. Sinigurado ko ang mga personal kong gamit at ako narin ang naghanda ng dadalhin ni Israel.

Lumabas rin naman ito sa banyo at kinukusot na ang kanyang buhok. Nauna kasi akong maligo sa kanya. Minsan naman sabay kami pero minsan ay mag-isa lang ako lalo na pag may mga lakad kami dahil natatagalan kami sa loob pag kaming dalawa. Minsan ay lumalagpas ng tatlong oras...

"Nahanda ko na ang gamit mo." Proud kong anunsyo sa kanya at itinuro pa ang bag ng pinaglagyan ko sa kanyang kama.

Ngumisi agad ito at lumapit sa aking tabi. Sinilip niya ang loob noon at nakontento naman sa kanyang nakita.

"Wife material..."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at ngumiti na.

"Marami pa akong kailangang matutunan 'no."

Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Israel.

"Ano pa bang gusto mong matutunan?"

Napisil ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip na.

"Hmm... Pag-aalaga ng bata? Parang makukulit kasi ang mga anak natin."

Humalakhak siya.

"Seryoso nga! H'wag kang tumawa..." Sumimangot ako at hinagilap ang kanyang mga mata..

"It's just that you're so adorable. Can't help it..." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.

"Totoo naman kasi! Uso ang divorce ngayon, Israel. Pag di tayo nagwork-out bilang mag-asawa doon tayo mahuhulog."

"Sa isa't isa lang tayo mahuhulog," aniya at umangat pa ang kilay.

"Posible tayong mahulog sa ganoon." Marahan ko siyang itinulak at humarap ulit sa aking ginagawa roon sa kama.

"Ba't tayo mahuhulog doon?" Nagkasalubong na ang kanyang kilay at mukhang interesado na sa aking sagot.

"Kasi wala pa akong masyadong experience sa ibang bagay."

"Edi makikipagdivorce ka dahil lang doon?" tanong niya at nafufrustrate na naman ata.

Humalukipkip ako nang umupo siya sa kama. Inabot niya ang aking baywang at doon humawak.

"Makikipagdivorce ka sa'kin pag ikinasal na tayo? You're planning to break up with me? How about our kids?" Magkasalubong na naman ang kanyang kilay habang nililingon ako.

"Hindi sa ganoon. Uso ang divorce-"

"At makikiuso ka?" putol niya pa sa akin.

Haynako Buenaventura. Minsan rin talaga ang hirap mong kausapin.

"H'wag na nga lang tayong magtopic ng tungkol sa divorce." Nailing ako at nasuklay na ang aking buhok.

"Dahil hindi naman talaga tayo magdidivorce," si Israel na pinoproblema ang maliit na bagay.

"Di nga tayo magd-divorce."

"Hindi talaga. I'm not going to sign it even if you beg for it." Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok at iba na ang timpla ng kanyang ekspresyon.

Shade of Love (Buenaventura Series #4 Ineryss' Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon