Chapter 1

566 9 0
                                    

The Lady who's wearing a kitsune mask

»»————- ☠ ————-««



Kaliwa't kanan ang tingin ni Sven nang makapasok sa isang malaking mansion. Mansion kung saan ang headquarters ng organisasyon.

He looked straight when he saw a man coming towards him.

"Yow! You're the new member?" Maligayang sabi ng lalaki sa kanya. Tumango naman siya rito.

"Yeah," maikling sagot niya. Inakbayan siya nito na ikinataas ng dalawang kilay niya.

"I'm Jaxit! Lahat sila naghihintay sa'yo," nakangiting sabi nito at iginiya siya papasok ng mansion. Wala siyang magawa kung 'di sundan ito. "Ikaw? What's your name, bruh?"

"Sven," maikling sagot niya uli rito at ngumiti ng maikli.

"Okay!" Maikling sabi rin nito, bagamat masaya pa rin ang boses. Habang naglalakad sila, hindi ni Sven maiwasan mamangha sa ganda ng loob ng mansion. All interiors are antique, and the walls and ceilings are of classic design. Nililibot niya ang paningin sa paligid nang may makakuha ng atensyon niya. Dumapo ang mga mata ni Sven sa isang babae na naglalakad sa gitna ng maraming tao.

Mestiza ito. Mahaba ang natural na buhok, bagsak hanggang sa bewang. She is dressed in a red stringed dress and black stilettos. She also wears a kitsune mask and carries a silver and gold pistol revolver in a leg holster.

Tumingin ang babae sa kanya nang maramdaman na nakatingin siya. Despite the fact that she is wearing a kitsune mask, Sven has a strong feeling their eyes have met. Hindi niya maiwas ang tingin sa babae, namamangha kasi siya sa pinapakita nitong aura. Naputol lang ang tinginan nilang dalawa ng tawagin siya ni Jaxit para pumasok sa isang silid kung saan ang meeting room.

Nang makapasok, umupo si Jaxit sa isang upuan at nang makaupo roon, tinawag siya nito para maupo sa tabi nito. Sumunod naman si Sven dito dahil wala naman din siyang magagawa. Baguhan lang siya at walang alam sa patakaran ng organisasyon na pinasukan niya.

Nang makaupo, agad siyang napatingin sa mga pumasok ng meeting room. Nangunguna roon ang babaeng nakatitigan niya kanina at umupo sa kabilang lamesa.

Nang makapasok na ang lahat ng member, huling pumasok ang isang bata na nasa thirteen or fifteen ang edad, at sunod nito ang isang matanda na nasa fourthy ang edad.

"Good morning, everyone," bati ng batang babae sa lahat ng tao sa loob ng meeting room. "We're here because we have a new member," malumanay na paliwanag nito sa lahat at bumaling ng tingin kay Sven. "Nice to meet you and welcome to the organization. I'm Pibs, the emcee of the organization, and this is. . ." Iminuwestra nito ang isang kamay sa isang babae na around thirty's ang edad. "Natalie, the herald of the organization."

Pormal ngumiti lang ang nangangalang Natalie sa kanya.

"And this is Satsujin. The director of the organization," pakilala ni Pibs sa isang matandang lalaki na kasama nito pumasok sa meeting room.

Tulad ni Natalie ay pormal din na ngumiti ang nangangalang Satsujin sa kanya. "Nice meeting you," nakangiting bati nito.

Tumikhim si Pibs at lumingon sa isang mahabang mesa kung na saan ang babaeng nakakuha ng atensiyon niya kanina. "They are the highest ranks of the organization," nakangiting pagpapakilala nito sa mga taong nakaupo sa kabilang mesa, kung na saan ang babaeng may suot na maskara. Ngumiti lang at tumango ang mga tao sa mesang iyon, walang balak magsalita. "And now. . . please introduce yourself," pormal na utos sa kanya ng batang si Pibs.

WickedWhere stories live. Discover now