Chapter 77

101 2 0
                                    

Vengeance (Part 2)




TUTOK ANG mga mata ni Zhuri sa telescope ng sniper gun habang pinapanood si Sven. Nasa rooftop siya ng isang mataas na building at sobrang layo niya sa mga kaibigan niyang susugod sa loob ng triad base.

Nasa kabilang building naman si Callez kasama ang ibang sniper at tulad niya ay seryosong nakatutok rin ang lalaki sa telescope ng sniper gun.

Kita ni Zhuri ang asawa niya na  pumasok na sa loob ng Triad base. Bawat galaw nito ay binabantayan niya.

Nang makitang nakikipaglaban na si Sven ay tinutulungan niya ito gamit ang pagiging sniper.

Lahat ng matutukan ni Zhuri na kalaban ay sa mata niya tinitira, kundi sa mata sa noo.

Napatiim-bagang siya nang makitang nasuntok ng isang beses ang asawa niya. Tinutok niya roon ang sniper gun at binaril ang mata ng sumuntok. Hindi pa siya nakuntento, binaril niya ang paa, kamay, private part at ang huli ay noo.

Go darling.

Aniya sa isipan habang pinapanood si Sven na nakikipaglaban.

Kuso. Kahit nakikipaglaban ito ay hindi ni Zhuri maiwasan na mamangha at maguwapuhan pa rin dito.

Napangisi siya at tinulungan ulit ito para makalakad na ng tuluyan papunta sa susunod na palapag ng triad base.

[Thanks, darling wife.] Ani Sven sa linya.

"Welcome. Be careful please," aniya nang makitang muntik na itong madaplisan ng bala.

[Mamaya na kasi landian,] ani Trevis sa linya na ikinatawa niya.

[Concentrate guys.] Si Erech. [Maraming kalaban sa third floor. Naghihintay sa inyo kaya sa iba kayo dumaan.]

Tinaas ni Zhuri ng kaonti ang telescope ng sniper gun para makita ang tinutukoy ni Erech. Kita nga niyang maraming kalaban ang nakabantay sa mga hagdanan at elevator na madadaanan nila Sven.

[Saan kami dadaan kung ganoon?] Si Maverick.

"Sa bintana," sabay na sagot ni Zhuri at Treize. Sumangayon naman ang lahat at iyon nga ang ginawa.

Binalik ulit niya ang pagkatutok ng telescope kay Sven para panoorin ito. Kita niyang may kinuha ito sa mga nakasabit sa tagiliran nito na grappling hook gun.

Itinapat ni Sven iyon sa kabilang bintana sabay kalabit ng gatilyo. Napatingin si Zhuri sa bintana na aakyatin nito. Nang makitang may kalaban na nakatalikod sa bintana ay pinagbabaril niya ang mga ulo niyon para pagpasok ni Sven sa loob ay wala na itong kakalabanin.

Nang tapos ng patayin, pasimpleng nilibot niya ang paningin sa buong paligid kung may kalaban bago ibinalik ulit ang tingin kay Sven na nakapasok na sa loob at naglalakad.

Ganoon ang ginawa ni Zhuri sa buong minuto. Pinoprotekhan niya ang asawa niya at sinusuportahan.

"Fuck!" Napamura si Zhuri nang may biglang humablot sa buhok niya at sapilitan siyang pinatayo.

[What happened, darling wife?] Nag-aalalang tanong ni Sven sa kanya nang marinig siya.

Hindi niya ito pinansin. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay na nakasabunot sa kanya at yumuko para umikot paharap sa lalaki. Nang mabitawan nito ang buhok niya ay pinulupot niya ang kamay ng lalaki at binali.

Napadaing ito sa sakit at akmang lalaban pa ng kuhain ni Zhuri ang pistol gun sa leg holster niya at binaril ito sa ulo.

[What's going on?] Tanong ni Trevis sa linya, sunod si Sven at ang iba pa.

WickedWhere stories live. Discover now