Chapter 69

71 2 0
                                    

Deserve to be happy







NAPABUNTONG-HININGA si Zhuri at tiningnan ang dalawang babae sa harapan niya. Si Agartha at Trace.

Apat na araw na ang lumipas mula noong pinakilala niya si Sven sa pamilya niya. At hindi niya alam kung bakit pumunta ang dalawang ito sa hacienda Hazatora at pinapasok naman agad.

"What are you doing here?" Malamig ang boses na tanong ni Zhuri sa dalawa na kanina pa maingay ang bunganga.

Nandito ang dalawang babae sa kwarto niya. Nakatayo at nililibot ang paningin sa buong kwarto niya.

"Ang ganda ng kwarto mo, beshi!" Beshi-what!?

Kunot-noong tiningnan niya si Agartha nang sabihin nito iyon. "What do you call me?"

Tumingin na ito sa kanya sa wakas at ngumiti ng malapad. "Beshi! 'Di ba friends na tayo? So beshi tawag ko sayo," masayang sagot nito sa kanya at kumindat pa.

Napailing na lang si Zhuri at nag krus ng braso sa dibdib. Ngumiwi siya at tinanggal na ang walang emosyon niyang mukha.

"So, ano nga ginagawa niyo rito at buti pinapasok kayo." Tanong niya ulit sa dalawa na si Trace at Agartha.

"Yun ama mo, pinapunta kami," sagot ni Trace na ikinataas ng kilay niya.

"Pinapunta kayo rito ng gabi na?" Tumingin si Zhuri sa labas ng bintana at kitang madilim na sa labas, sunod naman na tiningnan niya ay ang wallclock. 6:00pm na.

Sabay na tumango ang mga ito. "Yep, and syempre pumayag kami dahil first time namin makikita itong hacienda." Ani Agartha sa kanya.

"Bakit kayo pinapunta?" Naguguluhan tanong niya. Naguguluhan si Zhuri dahil bakit inimbita ang dalawang ito ng ama niya. Sa pagkakaalam niya ay hindi basta-basta nagpapapasok sa hacienda ng Hazatora.

Umupo siya sa single sofa at tiningnan muli ang dalawa. Umupo rin ang dalawang babae na si Agartha at Trace sa sofang mahaba na kaharap niya. "Magkakaroon daw ng party mamaya. Invited kami dahil you know, kilala ng Hazatora ang family namin." Napataas ang kilay ni Zhuri at napatango na lang sa sinagot ni Trace.

Nang may mahagip ang mata niya, pasimple siyang napatingin sa braso ni Agartha na palihim na sinisiko si Trace. Napatingin siya kay Trace na nakangiti sa kanya, sunod naman kay Agartha na nakangiti rin.

Hmm...

Hindi niya mabasa ang ngiting iyon kung pilit, peke o tunay. Nang pumasok sa isipan ni Zhuri na magaling pa lang magsinungaling ang mga members sa organisasyon kaya hindi mahuli kung ano nga ba ang totoo.

Nagkibit-balikat na lang siya sa kawalan. I'll find it later.

"Have you seen Sven?" Pang-iiba niya ng usapan.

Agad naman sumagot si Agartha. "Inutusan ng ama mo." Napatango siya sa mabilis na sagot nito at nagtanong ulit.

"Kung may party ngayon. Bakit hindi na kayo pumunta roon?"

Pumalakpak si Trace ng isang beses na ikinatingin niya roon. "Kaya kami nandito dahil kasama ka sa party. Sabi ng mama mo, tutulungan ka namin mag-ayos." Magsasalita na sana si Zhuri dahil sa nalaman nang magsalita ulit ito. "Bawal tumanggi. Sige na, please?" Nag pa-cute na ito na ikinaismid niya.

"Okay, fine." Sagot niya dahil alam niyang hindi titigil ang mga ito sa pangungulit hanggang sa pumayag siya.

Tss... Bakit ko nga ba sila naging kaibigan?

Nag-apir si Agartha at Trace at ngingiting tumayo mula sa sofa. "Now, let's start!" Sambit ni Agartha at pumasok na sa walk in closet niya.

Si Trace naman ay hinanda ang mga make up sa dressing table. "Mas mabuti kung mag bath ka ulit, Bloody. Para fresh ka," komento nito na tinanguan niya na lang at pumasok na sa banyo para maligo.

WickedWhere stories live. Discover now