Chapter 61

75 0 0
                                    

Deserve happiness






Cloud Gustaffason.

THAT WAS the name of the guy. He's a triad, everyone knows him because of what he does.

Hindi alam ni Zhuri kung bakit na rito ang lalaki sa HQ. Hindi ba nito naisip na maaaring mamatay ito ng wala sa oras pag pumasok dito ng mag-isa?

Napataas ang dalawang kilay niya nang makitang itaas ni Cloud ang dalawang kamay na parang sumusuko ito sa pulis.

"Why is he here?" Kuryosong tanong ni Ruchmore sa kanila.

"Stupid. Do we look like we know?" Masungit na sagot ni Trace kay Ruchmore.

Napaismid na lang si Zhuri sa dalawa at parang wala lang na naglakad palapit kay Cloud na hindi makaalis sa kinatatayuan. Itinaas niya ang isang kamay, senyas sa mga member na wag magpapaputok.

"What are you doing here?" Walang emosyon niyang tanong sa lalaking kaharap niya ngayon.

Ibinaba nito ang dalawang kamay na nakataas at ngumisi na parang hindi takot. "So you are Devon's future wife?" Nakangising tanong sa kanya. "Gladly to meet you, Ms. beautiful."

Tinaasan niya lang ito ng isang kilay, hinihintay ang sagot sa tanong niya.

"My bad," ani Cloud nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Akmang magsasalita siya nang may tinawag ito na pangalan. "Devon! Glad you're here, man!" Masayang tawag nito kay Sven na kababalik lang kasama si Jaxit.

Parang nanigas sandali si Zhuri sa narinig. Nagsalubong ang kilay niya at napatingin kay Sven na iniwan si Jaxit para pumunta sa gawi nila.

"Put down your guns," seryosong utos ni Sven sa lahat ng tao sa organisasyon na agad namang binaba at yumukod panandalian.

Nang makalapit si Sven sa kanila. Binigyan ni Zhuri ito ng nagtatakang tingin. Bumuntong-hininga si Sven at nilapit ang bibig nito sa tenga niya para bumulong. "He's not our enemy. I'll explain to you later, darling. Sorry, I forgot to tell you." Napairap siya sa sinabi nito at bumaling kay Cloud na ngingiti sa kanilang dalawa.

Parang tanga.

Bahagyang lumayo si Sven sa kanya at hinawakan muna ang beywang niya bago tumingin kay Cloud. "What the hell are you doing here? You shouldn't come here without me, baka malaman ko na lang patay ka na."

Cloud chuckled. "Well... You're right, but Trevis told me that you're going here so... Yeah." Nagkibit-balikat balikat ito at ngumiti ng tipid.

Trevis?

Naniningkit ang mga mata na tumingin si Zhuri ulit kay Sven. Binigyan lang siya nito ng nag-aalanganing ngiti at dinampihan ng halik sa labi bago tumingin muli kay Cloud na nakasimangot na ang mukha.

"Wow, sige, pamukha niyo sa'kin na single ako." Sarkastiko nitong sabi na ikinairap niya.

"So, what are you doing here? You’re not already finished with your mission." Tanong na ni Sven kay Cloud.

Mission? What the hell are they talking about?

Ngumisi si Cloud na parang proud sa sarili. "I'm already done, bud. I have a good news to you fyi," sagot nito.

"Okay. Let's see each other tomorrow. 10:00 am in my house," saad ni Sven kay Cloud sa seryosong boses at tumingin sa mga members. "Don't even attempt to fire your gun at him; he is not our enemy." Anunsiyo nito sa lahat na ikinagulo ng isipan ng mga tao.

Naguguluhan rin si Zhuri kung bakit hindi gagawin iyon. Naguguluhan siya sa nangyayari. Kilala ng lahat kung sino si Cloud Gustaffason. Kilala ng lahat kung gaano ito kasama.

WickedWhere stories live. Discover now