Chapter 40

92 6 0
                                    

The man at the supermarket







NAGLALAKAD sila Zhuri at ang batang lalaki papuntang elevator nang makasalubong nila si Sven.

"Hey," anito nang makita sila at tumingin sa batang kasama niya.

"Done?" Tanong ni Zhuri kay Sven. Bumaling ito sa kanya at tumango.

"Yes, baby." Malambing na sagot nito at tumingin ulit sa batang nakakapit pa rin sa kamay niya. "Hey, kiddo," nakangiting tawag nito sa bata.

Napatingin si Zhuri sa batang lalaki nang umatras ito at nagtago sa likod niya. "Don't worry, he's not gonna hurt you." Malumanay na sabi niya sa bata.

Dahan-dahan tumingin ito sa kanya. "R-Really?" Bakas ang takot sa tanong nito.

Napatingin siya kay Sven nang yumuko ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "Hey, kiddo. I'm with her. We're here to save you," banayad na sabi nito sa bata at ginulo pa ang buhok.

At dahil sa ginawa ni Sven, nawala ang takot sa mukha ng bata at lumuwag ang pagkakapit sa kamay ni Zhuri. "You're here to save me, too?" Tanong nito na ikinatango ni Sven at tipid na ngumiti.

"Yes, kiddo," sagot nito sa bata at sumulyap sa kanya. "Nalaman mo ba kung na saan ang ibang kasama niya?" Tanong nito sa kanya.

"Nasa bahay ni Mr Lim," sagot  ni Zhuri agad at tumingin muli sa bata. "Let's get you out of here," wika niya sa batang lalaki.

Tumango ang bata kaya nagsimula na silang maglakad papuntang elevator. Nang makapasok, at makarating na sa first floor... Lumabas na sila at naglakad palabas ng club.

Pinasakay nila Zhuri at Sven ang batang lalaki sa backseat. Pagkuwan, pumasok na rin siya sa passenger's seat at nagseat-belt.

"Now... Where is your parents house? Iuuwi ka na namin," tanong ni Sven sa batang lalaki nang makapasok sa driver's seat.

Agad namang sinabi ng bata. Napatango na lang si Sven at pinaandar na ang sasakyan paalis.

Mahigit tatlong oras silang nasa biyahe. Nang makarating na sa bahay ng magulang ng batang lalaki... Sumulyap si Zhuri sa bata na nakatingin din pala sa kanila ni Sven.

"Thank you po," pagpapasalamat nito at tipid na ngumiti. Nakita ni Zhuri na may tumulong luha mula sa mata nito. "T-Thank you very much po. Sana po makita ko ulit kayo. Thank you po." Paulit-ulit itong nagsasabi ng thank you at pagpupunas ng luha gamit ang kamay nito.

Napabuntong-hininga si Zhuri nang makitang walang tigil ang pagbagsak ng luha sa mata ng bata hanggang sa humagulhol na ito ng iyak.

This is one of the reasons she kills so brutally is because those monsters don't deserve to live.

They don't mind how you feel as long as they're happy.

Napasulyap si Zhuri kay Sven nang ibigay nito ang panyo nito sa bata. "Here, take this." Abot nito sa bata ng panyo. Agad namang kinuha iyon ng bata para ipunas sa mga luha na nahulog sa pisngi nito "Go now. I'm sure your parents are worried about you," mahinahon na sabi ni Sven.

Tumango-tango ang bata at bago pa man lumabas... "Ako po si Umbriel Gonzales. I hope to see you po again. Thank you very much," nakangiting paalam nito at lumabas na ng sasakyan.

Sinundan ito ng tingin ni Zhuri. Tumatakbo ito papunta sa pinto ng bahay. Nang makarating sa pinto, walang tigil itong nag door bell.

Nang pagbuksan na ang bata ng pinto, tumingin na siya kay Sven na nakatingin rin pala sa bata. "Let's go now," aniya na ikinalipat nito ng tingin sa kanya at tango.

WickedWhere stories live. Discover now