Chapter 32

102 7 0
                                    

Palawan






"UUWI KA NA?" TANONG ni Sven sa kanya nang matapos na silang mag dinner.

Napatingin muna si Zhuri kay Goldy na tapos ng kumain pero na sa dining area pa rin, nakahiga sa sahig, hindi umaalis. "Mamaya. I miss Goldy," maikling sagot niya sa tanong ni Sven.

Tumango ito at tumingin rin kay Goldy. "Hey, Goldy. Your mommy wants to play with you," anito sa aso na ikinatingin nito sa kanila.

Tumahol si Goldy at winagayway ang buntot. Tumahol ulit ito at naglakad palabas ng dining area.

"I think Goldy will go to her play room. Sunod ka na lang, enjoy." Sabi ni Sven sa kanya at kumindat pa.

Napailing si Zhuri sa pagkindat nito at tumayo na. "Okay," maikling sagot dito. Akmang lalabas na siya ng dining area nang maisip na hindi niya pala alam kung saan ang playing room na tinutukoy ni Sven.

Tumingin siya kay Sven na kausap si manang. Nang matapos na ang mga ito na mag-usap, tinawag niya si Sven at tumingin naman ito sa kanya at ngumiti.

"Yes, darling?"

"Saan nga pala ang play room ni Goldy?" Deretsong tanong ni Zhuri rito.

"Sa second floor and then, go left. May makikita kang nakasabit sa pinto na 'Goldy's play room'," sagot nito sa tanong niya.

Tumango siya at naglakad na paalis sa dining area. Umakyat si Zhuri sa hagdan at nang makarating sa second floor... Sinunod niya ang sinabi ni Sven. Dalawa ang hallway sa second floor, deretso at kaliwa. Naglakad siya pakaliwa at hinanap ang pinto na tinutukoy ni Sven. Nang makita na ang pinto ng play room... binuksan niya iyon at bumungad sa kanya si Goldy na may kagat-kagat na maliit na bola.

"Hey," tawag ni Zhuri sa atensiyon ng aso.

Nang makita siya ng aso, lumapit agad ito sa kanya at nagpalambing na ikinangiti niya ng malapad.

Pumasok si Zhuri ng tuluyan at isinara ang pinto ng silid. After that, nakipaglaro na siya kay Goldy.

Mahigit ilang minuto na ang lumipas simula ng pumasok si Zhuri ng playroom ng aso. Hindi niya napapansin ang oras dahil busy siya sa kakalaro kasama si Goldy.

Nang maramdaman niya na inaantok na siya, humiga siya sa sofa at sinubukan na labanan ang antok. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tumabi si Goldy sa kanya, sanhi na ikinaantok niya lalo. Kusang pumikit ang mga mata niya at bago pa man siya makatulog ng tuluyan, may isang salita na lumabas sa bibig niya.

"Home," pabulong na sabi ni Zhuri sa sarili at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

——————
————

Maagang nagising si Zhuri. Nilibot niya ang paningin nang makitang wala na siya sa play room kung saan siya nakatulog.

Nasa isang malambot na kama na siya ngayun, wala na sa sofa ng play room ng aso. Kulay beige ang pader at simple lang ang pagkakaayos ng gamit nang matingnan niya ang kabuuan ng kwarto. Maliwanag ang buong paligid kahit hindi nakabukas ang ilaw, dahil sa bintana na kahit hindi gaanong kalawak ang pagkabukas ng kurtina ay pumapasok pa rin ang liwanag ng araw.

Napatingin si Zhuri sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon at iniluwa roon si Sven.

"Gising ka na pala. Good morning," nakangiting bati nito sa kanya nang makita siyang gising.

"Good morning," bati niya rin dito.

"Anyway, gigisingin na sana kita para mag almusal, pero gising ka na pala."

WickedWhere stories live. Discover now