Chapter 43

105 6 0
                                    

Lucky




MATAPOS NI Zhuri makipaglaro sa aso na si Goldy... Pinagtulungan nila ni Sven buhatin ang inasemble nilang bahay papunta sa kwarto ni Goldy at mailagay sa loob.

Nang maiayos ang lagay ng bahay ng aso sa loob ng kwarto, napaupo si Zhuri sa sofa at tumabi naman sa kanya si Sven. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito at pinanood ang aso na nasa loob na ng dog house na kalalapag lang nila.

Ilang minuto sila ni Sven na tahimik lang. Si Sven ang bumasag ng katahimikan. "Can I ask?" Malumanay na tanong nito sa kanya.

"Hmm... What is it?" Tugon niya.

Hinaplos nito ang buhok niya na ikinapikit niya. "I'm just curious. Paano ka magiging highest rank, except sa deal?" Kuryosong tanong nito.

"Well, may tinatawag tayong percent. Ang percent na iyon ay ang basehan... Pag tumaas iyon at nalagpasan mo ang ten highest rank, ikaw ang papalit sa kanya." Sagot ni Zhuri sa tanong ni Sven. "Para tumaas ang percent, kailangan magpursigi ka sa mga mission mo. Kailangan hindi puro talo," dagdag niya na ikinatango nito.

"Ganoon ba ang ginawa ng mga highest rank, except sa atin?" Tanong ulit nito.

Umiling siya. "Nakipag deal rin ang ibang highest rank. Tulad ni Maverick, Callez, Ruchmore at Trace. Mas madali kasi iyon para masali ka sa mga highest rank. Oras na matalo mo ang isa mga highest rank, hindi lang mapupunta sayo ang titulo, pati na rin ang percent na meron siya."

"That means... lahat ng percent ni Agartha ay napunta sa akin?"

Napatango siya. "Yep, kaya mahihirapan si Agartha na makasali ulit sa highest rank dahil magiging back to zero ang lahat ng pinaghirapan niya."

"Paano malalaman kung ilang percent ang meron ka?"

"Pupunta ka sa office ni Mr. Satsujin, ang director ng organisasyon. Itatanong mo sa kanya at ibibigay naman niya ang sagot." Tugon niya. Tumingin siya kay Sven para makita ang reaksiyon nito. Tumango lang ito, walang reaksiyon ang mukha kaya pinagpatuloy niya ulit magsalita. "Mahirap mapasama sa highest rank kahit gustuhin mo pa na kahit ten highest rank lang. Masyado nang mataas ang percent ni Callez, habang dumadagdag ang percent mo ay dumadagdag rin ang sa kanya."

"That's why. Thanks for your answer, darling." Nakangiting anito habang marahan na sinusuklay ang buhok niya gamit daliri nito.

"Piece of cake," saad niya at natawa silang dalawa ni Sven ng mahina.

Nag-usap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay, tulad ng mga batas sa organisasyon. Nang dumapo ang mata ni Sven sa wallclock, doon lang sila tumigil.

"Hindi pala tayo nag tanghalian. 5:00pm na," wika nito na ikinatingin rin ni Zhuri sa wallclock.

"We forgot," tanging na sabi niya.

Hindi silang dalawa makapaniwala na 5:00pm na. Nakalimutan nilang mag tanghalian dahil sa paglalaro niya kay Goldy at pagkatapos, ang pag bubuhat nila ni Sven ng bahay ng aso sa kwarto at pag-uusap rin nilang dalawa tungkol sa organisasyon.

Tumayo na si Sven. "Let's go downstairs. Mamaya na natin ayusin itong kwarto ni Goldy, kumain muna tayo." Anyaya nito.

"Sige," maikling tugon ni Zhuri at tumayo na rin.

Iniwan nila si Goldy na tulog na pala sa bahay nito. Nagtungo sila ni Sven sa first floor. At nang makarating sa kusina, pinainit ni Sven ang pagkain na niluto ng caretaker kanina pa.

Nang matapos nito mapainit, inilagay na ulit nito sa plato at nilapag sa lamesa ng dining room.

Pinagsalin niya ito ng tubig sa baso, habang ito naman ay naglalagay ng pagkain sa plato niya.

WickedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora