Chapter 5

184 6 0
                                    

Lunch







"SO... WHAT?" PANIMULA ni Trace.

"Starting next week. Maverick and Callez. Every Monday, I will cancel all of your missions, dahil kayo ang lihim na magmamasid dito sa organization base at Hotel organization," sabi ni Trevis sa dalawa.

"Sure," sagot ni Maverick, sunod naman si Callez.

"How about the Hospital organization?" Tanong ni Zhuri rito.

"May naka-aasign na roon, Bloody," banayad na sagot ni Trevis sa kanya at tumingin sa dalawa. "Treize and Kaye, kayo naman sa Tuesday."

Lihim na napatingin siya nang marinig ang buntong-hininga ng katabi niya. "Can I change my partner, Trevis?" Walang ekspresyon na tanong ni Kaye. Napatingin ito kay Treize at inirapan bago bumaling kay Trevis.

Kumunot-noo ni Trevis dito. "Why? Siya naman talaga partner mo, Kaye."

Bumuntong-hininga ulit ito. "Okay, then... " walang ganang sagot.

"Bakit, Kaye? Ayaw mo ba kay Treize?" Kuryosong tanong ni Trace kay Kaye sabay mahinang natawa.

Umirap si Kaye rito. "Just shut up, Trace. Wala akong gusto sa kanya."

"Kung gano'n, bakit ayaw mo siya maging ka-partner simula una?" tanong ulit.

"Trace." Si Treize na ikinatingin ni Trace rito.

"What? I'm just asking!" Natatawang sagot nito.

Akmang sasagot si Treize nang tumikhim si Trevis.

Napatingin si Zhuri rito at nagtaas ng dalawang kilay.

"Pwede bang manahimik muna kayo saglit?" Malamig na sambit ni Trevis.

"Tss... Asan ba kasi ang first highest rank? Sigurado akong alam niya ito! At importante ito, bakit wala siya? Siya ang leader!" Naiinis na sabi ni Agartha sa lahat.

"Alam niya ito, Agartha, wag ka mag-alala. Gumagawa na siya ng hakbang," sagot ni Trevis.

"Bakit nga wala siya rito? Wala na nga siya palagi sa mga meeting, wala pa rin siya rito na emergency na. Anak na nga siya ng boss natin, first highest rank pa, pero wala namang kwe—"

"Because he knew we could do this! Agartha! We didn't need his help," hindi na mapigilan ni Trevis na magtaas ng boses, natahimik naman ang lahat.

Napabuntong-hininga siya. "Can you all shut up? Hindi tayo matatapos dito kung panay ganito ang pinag-uusapan. Trevis know what to do, right?" Tumingin siya kay Trevis at tumango ito sa kanya. "He's the second highest rank, remember that, Agartha."

Umirap ito sa kanya. "Alam ko... Ang pinupunto ko, bakit laging wala rito ang highest rank?"

"Mukha bang alam namin, Agartha?" balik na patanong niyang sagot. Umirap ulit ito, wala ng masabi.

"Boom bagsak," mahinang sabi ni Maverick sabay mahinang natawa.

Nailing na lang si Zhuri at huminga ng malalim. "You may now proceed, Trevis," pormal na sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Thanks, Bloody," tugon at sinimulan na ang plano. "Ruchmore, ikaw sa Wednesday at Agartha, ikaw naman sa Thursday—"

"Wait-wait!" Pigil ni Agartha kay Trevis. "So dalawa babantayan ko?"

"No... May inasign na ako sa Wednesday at Thursday na magbabantay sa Hotel," sagot nito na ikinatango ni Agartha. "Trace, friday at Bloody sa Saturday. At ako sa Sunday," pagtatapos nito at bumuntong-hininga. "Alam na ito ng first highest rank, gumagawa na siya ng plano para rito," banayad na sabi nito at tumayo sa kinauupuan. "That's all, sa susunod ulit natin meeting."

WickedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt