Chapter 62

78 2 0
                                    

Be with you






Jaxit:

Hey, man. We are invited to the party, are you coming?


MATAPOS BASAHIN ni Devon ang message ni Jaxit, nireplayan niya agad ito ng 'Hindi, I'm busy'.

Hindi nasira ang pagkakaibigan nila ni Jaxit dahil sa nalaman nito. Though, muntikan na kundi lang sila nag-usap.

Devon took another glance at Cloud, who was occupying the sofa in front of Zhuri, him and Trevis.

"Speak." In a serious voice, he said to Cloud.

Napaayos ng upo si Cloud sa narinig. Tumikhim muna ito bago magsalita. "I already know who's the spy," panimula nito na ikinatinginan nilang tatlo ni Zhuri, Trevis at siya.

Devon smirked. As expected.

"Who? And how do you know?" He asked. Gusto na nilang malaman ang natitirang spiya. Gusto na nilang mahuli para matapos na ang problema sa organisasyon.

"Satsujin. He's the spy," sagot ni Cloud na ikinatigil nila Zhuri at Trevis. Parang estatwa ang dalawa na nanigas sa kinauupuan, gulat at hindi makapaniwala sa narinig. While Devon, he just started at Cloud. Gulat rin siya pero hindi katulad nila Zhuri at Trevis, because he became suspicious after Trevis investigated and informed him of what Satsujin was saying to Zhuri. Even so, he was still surprised by Cloud's response because he had some lingering doubts about his suspicion.

"My... My uncle?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zhuri kay Cloud.

Napahilamos pa ito sa mukha at napahilot sa sentido, mukhang naestress kaya hinawakan niya ang isang kamay nito para pakalmahin. Kumalma naman si Zhuri at huminga nang malalim.

"Yes. I saw him in the triad organization. I was curious so I follow him, and that's the day I knew who the spy was. Narinig ko ang usapan nila ng isang lalaki." Ani Cloud sa kanila.

"Who's the guy he is with? And what did they talk about?" Trevis asked.

Nagkibit-balikat si Cloud. "I don't know his face. And about they talk... They're planning to get rid of this organization."

Devon sighed. "That old man, tsk." He said and look at Trevis. "Sinabi ko sayo na imbistigahan mo siya. What happened? Any updates?" Tanong niya kay Trevis. Wala na kasi itong sinabi sa kanya tungkol kay Satsujin, kaya mahirap hulaan kung ano ba talaga ang balak ng matanda.

Napabuntong-hininga ito, at base sa mukha nito ngayon, mukhang alam na niya ang sagot.  "No... Kahit anong gawin ko, hindi ako makahanap ng information tungkol sa kanya," sagot na ikinaigting ng panga niya.

Muli niyang naalala ang sinabi ni Satsujin kay Trevis na sinabi sa kanya nito.

You will fucking regret this, old man...

Devon look at his darling when he heard her sighed heavily. "You okay?" He asked Zhuri, making sure she's okay.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng tipid. "Of course. I just can't believe that there's a traitor in the Hazatora clan." Napasapo ito sa noo pagkasabi niyon. Kapagkuwan, isinandal ang ulo sa balikat niya. Hinaplos naman niya ang buhok nito at marahang hinalikan ang gilid ng noo nito.

"Ehem!" Napatingin silang dalawa ni Zhuri kay Trevis nang tumikhim. "May I remind you na hindi pa oras ng bebe time niyo." Ani Trevis sa kanila at nailing.

Natawa naman is Cloud. "Hayaan mo na, may bebe ka naman. Puntahan mo na lang," ani nito kay Trevis.

Napaismid si Trevis kay Cloud. "Yeah, I forgot. Ikaw lang pala ang wala," pang-aasar nito.

WickedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora