Chapter 16

119 6 0
                                    

Curious






"WHAT DO YOU want?" Tanong agad ni Agartha nang makapasok ng unit kung saan sila magkikita.

Ibinaba ni Zhuri ang hawak niyang pekeng cristal. Nakaupo siya ngayon sa armchair habang nasa harapan niya si Agartha, nakatayo.

Pinapunta niya ito rito, dito sa organization hotel. Nandito sila ngayon sa isang unit, silang dalawa lang at wala ng iba.

"I know what you are doing."

Kumunot ang noo ni Agartha sa sinabi ni Zhuri. "What do you mean?" Painosenteng tanong nito.

Walang emosyong tumingin si Zhuri sa mga mata ng babae. Napangisi siya sabay iling.

Oo nga pala, Agartha is one of the highest rank. Of course, isa sa talent nito ang mag sinungaling.

Aniya sa isip. "Alam ko ang ginawa mo sa kotse ni Sven, Agartha," casual na wika rito. "I know you... I know your plan."

Sa sinabi niya, natigilan ito at humugot ng malalim na hininga kapagkuwan. "Hindi pwedeng mapunta lang sa kanya lahat ng pinaghirapahan ko! Bloody!" Galit na sabi nito sa kanya, hindi na napigilan ang sarili.

"Kung gano'n, edi sana pinag-isipan mo muna," walang buhay na saad niya. Kita niya sa mga mata nito ang galit. "You know the rules, Agartha. At isa ang deals sa rules ng organisasyon, kaya kung ako sa iyo? I'll stop this shit and just wait for the announcement."

Huminga ng malalim si Agartha, pinipigilan na hindi sumugod sa kanya. "Hindi porket ikaw na ang mataas sa akin, susundin ko na ang gusto mo."

Sa sinabi nito, napangisi uli siya. "Remember, Agartha. Hindi man ako ang third highest rank, mas mataas pa rin ako sa'yo. You're just a Fabriquez, Hazatora ako... Kilala mo naman siguro ang pamilyang Hazatora, 'di ba?"

Parang itong asong umamo bigla dahil sa sinabi niya. Para itong binuhusan ng malamig na tubig. Natauhan sa narinig. "W-What do you want me to do?"

"Stop this, stop this shit or I will kill you." Her voice was cold but full of threat. "You know me, Agartha. Plano mong takutin siya, 'di ba? Sabihing ayaw niya maging highest rank. Assume you want to demonstrate that he is not abiding by the agreement so that he can be punished," sabi rito na ikinatigil nito. Parang naputulan ito ng dila sa sinabi niya. "Cat got your tongue, Ms. Nineth highest rank?"

Nakita niyang napalunok ito sabay hinga ng malalim. "Aalis na ako," tanging na sabi.

Tumalikod ito at bago man makaalis ng tuluyan... "Subukan mong gawin ulit kay Sven iyon. Ako makakalaban mo, remember that."

Kusa na lang iyon lumabas sa bibig ni Zhuri. Hindi alam kung bakit niya nasabi iyon, basta nasabi niya na at wala ng bawian pa dahil hindi siya ang taong bumabawi ng salitang na sabi na.

Parang wala itong narinig dahil deretso lakad lang ito hanggang sa makalabas ng unit.

Bumuntong-hininga si Zhuri nang mawala si Agartha at nagpalipas ng ilang minuto bago nagpasyang umalis sa organization hotel.

Sumakay siya sa ducati niya. Kapagkuwan, pinaandar papuntang organi hospital.

Oras na para ipacheck up ang hindi mapaliwanag na nararamdaman niya kay Sven. Mababaliw na siya sa kakatanong sa sarili.

Nang makarating, pinark niya muna ang sasakyan sa parking lot bago bumaba.

Habang naglalakad, nahahagip ng mga mata niya ang mga tao na bago ito lumampas sa kanya, tumatango muna ang mga ito bilang paggalang dahil highest rank siya.

WickedWhere stories live. Discover now