Chapter 9

129 4 0
                                    

Punishment







[NAKITA ko na si Jacob,] wika ni Erech sa linya. [Papasok na siya, naka tux, kulay puti.]

Agad na nilibot ni Zhuri ang paningin sa paligid. Una niyang nakita si Sven na nakatingin sa papasok. Tumingin din siya roon at nakita niya agad si Jacob, naka masquerade mask kulay itim. May tatlong itong kasamang lalaki.

"To night! Let's welcome! Katelyn's father! Our beloved mayor!" Masayang anunsiyo ng emcee.

[Shit!]

Lihim na kumunot ang noo ni Zhuri dahil sa narinig. "What happened, Erech?" Pormal na tanong niya kay Erech.

[M-may n-nag—] Paputol-putol boses nito hanggang sa nawala na sa linya.

"Sven?" Tawag niya sa lalaki kung nasa linya rin.

Nagsalita ito pero paputol-putol rin, hanggang sa nawala na rin sa linya.

Chikushou!

Mabilis na hinahanap ng mga mata niya si Sven. Nang makita ito, pupuntahan niya sana nang may malakas na sumabog.

Napahinto siya at hindi na binalak pa na puntahan si Sven. Hinanap niya agad si Katelyn. Nakita niya ito, walang malay habang buhat-buhat ni Jacob.

Mabilis ang lakad na pinuntahan ni Zhuri si Jacob. Napahinto siya nang may humarang sa kanya na limang lalaki na malamang ay tauhan ni Jacob.

"You think maiisahan niyo ako?" Nakangising sabi ni Jacob sa kanya. "Stupid!" At mabilis na umalis.

Tiningnan niya ang limang lalaking kalaban na nasa harapan niya sabay irap.

Susugod na sana si Zhuri sa mga ito ng sumulpot bigla si Sven sa harapan niya. "Ako na bahala rito. Go, get that fucking bastard." Sabi ni Sven sa kanya habang kinakalaban na ang mga lalaki.

Tumango siya. "Goodluck," tanging na sabi niya at mabilis na tumakbo para maabutan si Jacob.

"Where the hell are you going?" Malamig ang boses na sabi ni Zhuri kay Jacob nang maabutan ito. Lumingon ito sa kanya.

"Anak ng!" Sinenyasan nito ang mga tauhang kasama nito na tapusin siya.

Agad ni Zhuri sinugod ang mga tauhan ni Jacob na palapit sa kanya. Binali niya ang isang kamay ng lalaki nang mahuli at hinugot sa gun pocket nito ang baril para barilin ang isang lalaki na pasugod. Matapos, binaril niya rin ang lalaking hawak niya.

Lumapit siya sa lalaking pasugod ulit. Mabilis niyang itinaas ang isang paa para matusok sa leeg nito ang takong ng stiletto niya.

Kinuha niya ang baril ng patay na lalaki at binaril ang natitirang kasamang tauhan ni Jacob. Nang matapos, mabilis siyang tumakbo para maabutan si Jacob na tumatakas.

Sinipa ni Zhuri ang likod ng lalaki na ikinatalsik nito. Nabitawan nito si Katelyn at pasalamat dahil maganda ang binagsakan ng babae.

"Wag ka makealam! Tangina mo!" Tiim-bagang na sigaw ni Jacob sa kanya.

"Damare konoyarou." Shut up, you bastard.

Galit na galit ito dahil kita sa leeg nito ang naglalabasan na ugat. Galit na sumugod ito sa kanya. Akmang susuntukin siya nang mabilis siyang nakaiwas at hinuli ang kamay nito na malapit sa mukha niya.

Mabilis na yumuko si Zhuri at siniko ang dibdib ni Jacob na ikinaatras nito dahil sa sakit. Sunod-sunod niya itong sinipa na siging-atras lang ito, ginagawang kalasag ang sariling kamay nito.

Nang mahuli ni Jacob ang paa niya, akmang babaliin ito nang mabilis na pinalipad ni Zhuri ang isang paa para masipa ang mukha ni Jacob.

Napaatras ito sa ginawa niya at siya, akmang matutumba sa ginawa nang maitukod niya ang kamay sa sahig. Mabilis siyang umayos ng tayo.

WickedWhere stories live. Discover now