Chapter 36

91 5 0
                                    

Call




R18


"INAANTOK ka na?" Tanong ni Sven sa kanya nang matapos nila ang part 1 ng 'The twilight saga'.

Napatango si Zhuri rito at nilipat ang tingin kay Goldy dahil gumalaw ito.

Nagising na ang aso at tahimik na bumaba sa kinahihigaan.

"I'm sleepy. Gusto ko ng matulog," pagod na wika niya kay Sven at tumayo na.

Tumayo na rin si Sven at lumapit sa kanya. Napangiti si Zhuri sa lalaki ng yakapin siya nito sa beywang.

Feels so warm...

"Pwede bang sa kwarto ko na lang ikaw matulog? I want to cuddle you," malambing na saad nito na ikinairap niyang nakangiti.

Well... Zhuri likes it too, kaya hindi niya magawang tanggihan ito.

This will be her second time, na makatabi at magkayakap sila ni Sven sa kama. Ang first time ay yung nasa hotel sila.

"Okay," sagot niya sa tanong nito at nagbaba ng tingin para makita si Goldy. "Good night, Goldy. Kita ulit tayo bukas," nakangiting paalam niya sa aso. Tumahol ang aso at winagayway ang buntot.

"Let's go?" Ani Sven at pinagsalikop ang daliri nila. Kapagkuwan, marahan na hinila siya palabas ng Movie room. "Go to your room now, Goldy. Goodnight," paalam nito sa aso habang papunta sila sa master bedroom kung saan matutulog.

Tumahol uli ang aso sa kanila at nag iba na ng daan.

Nang makarating na sila Zhuri at Sven sa kwarto nila. Unang pumasok si Zhuri at pabagsak na humiga sa kama.

Sven chuckled and turned off the light. Pumunta ito sa kanya kaya umayos siya ng higa.

"Hindi mo tatanggalin ang maskara?" Tanong nito at tumabi na sa kanya.

Mahinang pinitik niya ang ulo nito na ikinasimangot nito. "Di mo nakikita? Maliwanag kahit nakapatay ang ilaw," saad dito na ikinabuntong-hininga nito.

Napakunot ang noo niya ng bumangon ito sa kama at nagtungo sa gilid ng kama kung saan siya naka pwesto.

Impit na napatili si Zhuri nang walang pasabing pinangko siya ni Sven. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako, Sven." Mariin niyang sabi sa lalaki na ikinatawa nito ng mahina.

"May guess room dito na walang bintana, kaya kapag pinatay ang ilaw madilim." Saad nito na ikinairap niya.

"Okay lang naman sa'kin na wag tanggalin ang maskara kahit matutulog na."

"I just want you to be comfortable, darling. I'm sure mas sanay kang walang maskara kapag natutulog," anito at naglakad na palabas ng kwarto, buhat-buhat siya.

Napabuntong-hininga na lang si Zhuri dahil wala siyang magawa para pigilan ito.

Sven is right. Mas komportable siyang matulog pag walang maskara dahil nasanay siya roon.. pero pwede naman ang merong suot na maskara. She just didn't know if it was comfortable or not

Nang makarating sa tinutukoy ni Sven na kwarto. Nilibot ni Zhuri ang paningin sa buong kwarto at tama ito, walang bintana pero maganda at malinis tingnan.

Maingat na nilapag siya ni Sven sa kama at pumunta sa coffee table para kuhain ang remote control ng ac. Nilakasan nito ang ac nang makuha ang remote control. Kapagkuwan, nagtungo na sa switch ng ilaw para patayin.

Nang mapatay na. Napalinga siya sa paligid at napangiti dahil madilim na. Walang liwanag na makikita, kaya't hinubad na ni Zhuri ang maskara at nilapag sa bedside table.

WickedWhere stories live. Discover now