Chapter 17

111 6 0
                                    

Training room






AFTER lunch. Dumeretso sila sa bahay ni Sven. Nasama kasi kanina sa topic nila ang asong alaga ni Sven na si Goldy kaya napapunta sila sa bahay nito.

Nang makarating na, unang bumaba si Zhuri ng sasakyan dahil sa sayang nararamdaman. Sobrang saya niya dahil makikita niya ulit si Goldy sa dami ng araw na lumipas.

Binuksan ni Sven ang pinto ng bahay at niluwakan ang pagkabukas non. Si Zhuri ang unang pumasok at agad siyang sinalubong ni Goldy na halata sa mukha ang saya ng makita siya.

Tumahol ang aso sa kanya at dinilaan ang maskara niya.

"Mommy missed you!" Masayang sabi niya sa aso.

Naramdaman ni Zhuri na lumapit sa kanya si Sven. "Tss, ako amo mo pero hindi ako ang sinalubong mo," nakangusong sabi nito kay Goldy.

Lihim siyang natawa sa lalaki. Dahil sa sinabi nito, parang naiintindihan ito ng aso dahil pumunta si Goldy rito para maglambing.

"Wala, doon ka na sa mommy mo," parang batang pagmamaktol nito. Bumagsak ang panga nito ng sumunod nga ang aso. Wala sa sariling natawa si Zhuri sa mukha ni Sven nang makita, inaasar nito ang aso kaso hindi iyon ang naging kalabasan kay Goldy. "This dog!"

"Don't say that!" Suway niya agad rito.

Napailing-iling na lang ito sa kanya at tumayo. "Manang?" Tawag nito sa caretaker. Agad namang lumabas ang caretaker na si Layda, galing ito sa likod ng bahay.

"Andiyan ka na pala, at may kasama ka uli," wika ni Manang Layda kay Sven.

May kasama uli?

Tanong ni Zhuri sa isipan nang marinig ang sinabi ni Manang Layda kay Sven. Lihim na nailing na lang siya sa sarili. Nandito siya para kalimutan ang mga katanungan na walang sagot, hindi para madagdagan ulit ang katanungan sa isipan.

Bumaling sa kanya si Sven matapos kausapin nito si Manang Layda. "Dito ka mag-di-dinner?" Malumanay na tanong nito sa kanya.

Umiling siya. "No," sagot niya. Ayaw ni Zhuri sanayin ang sarili na rito madalas mag-dinner.

Magsasalita na sana ulit ito ng tumunog ang doorbell kasunod niyon ang pag-tahol ni Goldy.

Napalingon naman siya sa pinto. At tutal siya ang malapit sa pinto, pupuntahan na sana niya para buksan at lumabas nang maunahan siya ni Sven.

Binuksan nito ang pinto at lumabas papunta sa gate ng bahay. Ilang sandali lang, pumasok na ulit ito na may dala ng maliit na box.

"What's that?" Kuryosong tanong ni Zhuri sa lalaki.

"Gun. I bought a gun," maikling sagot nito. Napatango na lang siya sa sagot ni Sven at bumaling kay Goldy na nakaupo sa harapan niya.

Nahagip ng mata niya na umakyat si Sven papuntang itaas. Hindi niya na lang iyon pinansin at nakipaglaro na lang kay Goldy.

Ilang oras si Zhuri nakipaglaro kay Goldy. While Sven is back, he just watches them and laughs at their antics.

Hanggang sa dumating ang oras na uuwi na si Zhuri dahil pagabi na. Tumayo siya mula sa kinauupuan at tumingin kay Goldy na nakangiti sa kanya.

Hindi ni Zhuri malilimutan ang araw na ito, ngayong araw lang siya sumaya ng ganito. Sa ilang taon nang nakalipas, nakaramdam uli siya ng saya pero panandalian lang.

"Mommy will go home na." Napabaling siya kay Sven ng magsalita ito. Nakatingin ito sa aso. "Say goodbye to Mommy."

Sa sinabi nito sa aso, tumahol si Goldy sa kanya na ikinatawa niya dahil parang tao ito, nakakaintindi.

WickedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz