Chapter 42

91 7 0
                                    

Buckle collars






NANG MATAPOS magbihis ni Zhuri, nagtungo siya sa bedside table at kinuha ang cellphone niya.

Tinawagan niya si Erech at mabilis naman itong sumagot.

[Hello?] Ani Erech sa linya.

"What is our mission today?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya.

[Remember Lim Huang? Matagal ko ng nalaman tungkol sa pagsabog ng bomba, nakalimutan ko lang kaya hindi ko na sabi agad. Iyon ang gagawin niyo ngayon.] Napatango-tango si Zhuri sa kawalan sa sinagot nito.

Hindi sila ni Sven magliligtas ng buhay ngayun, so that means pwede niyang i-cancel. "Cancel our mission today. Bukas na yan, let's give ourselves a break," aniya sa linya.

[Hmm... Hindi ako tututol diyan. I like that.]

"Okay, then. Bye."

[Bye.]

Nang mapatay na ang tawag, in-off niya na ang phone at nilagay sa bulsa ng high waist jeans na suot niya.

Sinuot na ni Zhuri ang maskara at kinuha ang susi ng kotse. Kapagkuwan, naglakad na palabas ng bahay niya.

Plano niya ngayon ay pumunta sa bahay ni Sven at doon magstay hanggang gabi.

Wala sa sariling napangiti siya nang maalala ang nangyari kaninang umaga.

Sven hugged her from behind as they watched the sunrise. And after that, they eat breakfast at a restaurant near Manila Bay.

It was simple, but it made her happy.

Nang makasakay na si Zhuri sa kotse, pinaandar na niya iyon.

She still can't believe Sven accepted her. Sven accepted her no matter who she is in her past.

Sven loves her.

Nasa kalagitnaan si Zhuri ng pagmamaneho nang may mahagip ang mata niya na isang shop.

It's a pet shop.

Nang pumasok sa isipan niya si Goldy, ang aso, agad siyang nagtungo sa shop na iyon. Ipinark niya ang kotse sa parking lot. Kapagkuwan, lumabas na at naglakad papasok sa pet shop.

"Good morning, ma'am." Bati sa kanya ng security guard nang makapasok siya.

Hindi ni Zhuri ito pinansin, nilibot niya ang paningin sa buong shop. At nang makita ang dog section... Nagtungo siya roon.

Nilibot niya ang paningin ulit. At nang makakita siya na nagustuhan niya, napangiti siya ng malapad.

Pumili si Zhuri ng kulay ng higaan ng aso. Nang may mapili, kinuha niya iyon at nilibot ulit ang paningin sa buong section.

Maraming siyang pinagkukuha para kay Goldy. Nang wala na siyang mapili... Nagtungo na siya sa counter para magbayad.

Ilang minuto lang siyang nagbayad at binitbit niya na ang tatlong malalaking paper bag at nilagay sa back seat ng kotse. Nang maiayos na iyon sa paglalagay, nagtungo na siya sa driver seat at pumasok.

Wala sa sariling sumilay ang ngiti sa labi ni Zhuri nang maisip na makikita niya ulit si Sven at si Goldy. Pinaandar na niya ang kotse papunta sa bahay ni Sven. Halos mahigit isa't kalahating oras siyang nakarating doon dahil sa traffic.

Pinark niya ang kotse sa gilid at bumaba na ng sasakyan. Kinuha niya ang tatlong malalaking paper bag sa backseat. Kapagkuwan, pumasok na sa gate ng bahay ni Sven.

Hindi na ni Zhuri naisipan pa na kumatok sa pinto dahil sa mga dala. Sinubukan niyang buksan ang pinto at nagpapasalamat dahil hindi iyon nakalock.

Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto nang may ngiti sa labi.

WickedWhere stories live. Discover now