Chapter 60

73 0 0
                                    

The Cloud is out






"BY THE way, darling. I already told Erech na every Monday, Tuesday, Friday at Saturday ay mag le-leave ka," anas ni Sven na ikinakunot ng noo ni Zhuri.

Nagtaka siya roon. Nabitawan niya ang bola na hawak dahil nakikipaglaro siya kay Goldy dito sa garden ng mansion. Nakakunot ang noong lumingon siya kay Sven na nasa likuran nila ni Goldy.

"Huh? Why?" Curious niyang tanong kay Sven.

Lumapit ito sa kanya at yumakap mula sa likuran niya. "I told her na kailangan mo mag pa therapy and psychiatrist," sagot nito at hinalikan ang pisngi niya. "You need to heal, darling. Every Monday darating dito si Mrs. Cassandra Thy, your therapy. And Tuesday is you rest day. Friday naman is your psychiatrist day and Saturday is rest day. Si Ms. Jelan Managbat ang psychiatrist mo. Don't worry, lahat sila ay professional and I'm sure na matutulungan ka nila gumaling."

Napatango-tango lang si Zhuri sa sinabi nito. Sven's right, kung gusto niyang gumaling ay kailangan niya iyon.

Kailangan kong gumaling, tama na ang sakit.

Aniya sa isipan at pinagpatuloy na ang pagbato ng bola para saluhin uli ni Goldy.

Ilang minutong nakayakap lang si Sven sa kanya bago ito kumalas at umupo sa malapit na bench ng hardin. "Can I ask a question?" Tanong nito at seryoso iyon kaya napalingon siya muli rito.

"Sure, what is it?"

Marahas na bumuga ito ng hangin. Ayon sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang hindi pa ito sigurado kung itutuloy pa ba or hindi, pero sa huli ay tinuloy pa rin. "Has your father been jailed or arrested after doing that to you?" Maingat na tanong nito sa kanya.

Napatigil siya sandali sa ginagawa. Alam na ni Zhuri na darating sa punto na tatanungin ni Sven iyon pero hindi niya inaasahan na ngayon.

"No," sagot niya at nakita niyang umigting ang panga nito. "Because he's already dead noong makatakas na ako sa nakakasukang buhay at magsimulang maghiganti sa kanya."

"Ano ang ikinamatay niya?" He asked in a calm voice but she knows, deep inside na galit na ito. Nalaman niya iyon dahil sa simpling paggalaw ng panga nito at pagkuyom ng kamao.

"Heart attack," maikling sagot niya at sinubukan ipagpatuloy ang pakikipaglaro kay Goldy para hindi siya maluha sa galit na nararamdaman.

Galit na galit si Zhuri ng maalala iyon. Galit siya dahil namatay na lang ito ng ganoong kadali! After what he did to her ay ganoon na lang? That's unfair!

"How about yun mga taong gumawa sayo..." Hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin. Higit sa iniiwasan nitong masaktan siya ay nagagalit na rin ito, pinipilit lang itago at kumalma.

"I am not familiar with their faces. And besides, masyado silang marami para isa-isahin." Sagot niya pa rin at pinunasan na ang luha nang maramdamang may tumulo na sa pisngi niya.

Agad namang lumapit si Sven sa kanya at ito ang nagpunas ng luha niya na tumulo uli sa pisngi niya. "Hush... I'm sorry, I won't ask anymore." Pagtatahan nito at yinakap siya sa beywang.

Nagsimula na naman tumulo ulit ang luha ni Zhuri mula sa mata niya. Nabitawan niya ang hawak na bola ng hindi mapigilang maisip ang mga ginawa sa kanya dati. "He doesn't deserve to die that easily! I trusted him! I fucking trusted him because he's my f-father," pumiyok ang boses niya ng sabihin niya ang salitang 'father'. "I'm his daughter, Sven... I'm his d-daughter pero nagawa niya iyon... He's a monster."

"Shush... Tahan na, please don't cry.." pagtatahan ni Sven. Hinalikan nito ang noo niya at marahang hinaplos ang buhok niya.

Napatingin si Zhuri kay Goldy ng lumapit rin ito sa kanya at dinilaan ang kamay niya. Maliit na napangiti siya sa simpling ginawa ng aso.

WickedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ