Chapter 54

91 5 0
                                    

Happy with you





R18


MASAKIT ANG ulong gumising si Zhuri. Kinusot-kusot niya ang mga mata at napatingin sa paligid.

Nang makita ang desenyo, nalaman niyang nasa kwarto pala siya ni Sven.

Humikab siya at nagbaba ng tingin nang may mapansin. Iba na ang suot niyang damit. Nakapajama na siya at plain white na t-shirt.

Napabuntong-hininga si Zhuri at tumingin sa orasan dahil nakatakip ang mga bintana kaya hindi niya malaman kung madaling araw pa lang o umaga na. Bukas ang lampshade ng kwarto kaya nakikita niya kung anong oras na.

9:00am

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Hindi siya makapaniwala na 9:00am na. Mahimbing ang tulog niya, at dahil sa mahimbing ang tulog niya ay hindi niya rin naramdaman na dinala siya ni Sven sa kwarto at binihisan. Marami siyang nainom na alak kaya naging ganoon.

Akmang babangon na nang sumakit ang ulo niya ulit. Mariin si Zhuri napapikit, pagkamulat nang mga mata ay dumapo iyon sa bedside table.

Huh? What's that? She thought, wondering.

May baso roon na naglalaman ng tubig. May isang piraso rin na gamot at note. Nang kuhain niya ang note ay binasa niya iyon.


Drink that to get rid of your headache.

-Your Darling


Sumilay ang ngiti sa labi ni Zhuri nang mabasa ang note. Hinubad niya ang maskara niya na nakasuot pa rin at kinuha ang gamot para inumin na.

Nang matapos, bumangon na siya at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-ayos sa sarili. Kalaunan, isinuot muli ang maskara at lumabas na para hanapin si Sven.

Nahanap niya ito pagkapasok niya sa kusina. Nagluluto at mukhang wala na naman ang caretaker.

Nang makita siya ni Sven ay ngumiti agad ito ng matamis sa kanya. "Good morning!"

"Good morning," tugon niya at umupo sa high stool ng island counter.

Lumapit ito sa kanya na may dalang mug. Pagkalapag nito sa harapan niya ay naamoy na agad niya ang aroma ng hot chocolate.

"Para sayo," anito na ikinailing niyang nakangiti at tinikman ang hot chocolate na gawa nito. "You okay now? Masakit ba ulo mo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Kanina pagkagising ko. But now? A little bit."

Napatango-tango ito at bumalik sa niluluto nito. "That's good to hear. Magpahinga ka pa para mawala na ng tuluyan yun sakit ng ulo," saad nito na ikinatango lang niya.

Habang nilalagay ni Sven ang pagkain na niluto sa plato ay umiinom lang siya ng hot chocolate. Nakatingin lang si Zhuri sa lalaki at pinagmamasdan ang gwapong mukha nito.

Kuso! So handsome. I can't take off my eyes on him.

Ilang sandaling nakatingin lang siya sa mukha ni Sven nang may pumasok sa isipan niya na ikinatigil niya. "About last night," panimula niya sa usapan nang maalala ang nangyari kagabi.

Nilagay muna ni Sven ang plato na may lamang pagkain sa lamesa bago tumingin sa kanya. "I will take care of that man, so don't mind him." Ani Sven na ikinatango niya.

"You are the one who will punish him?" Kuryosong tanong niya at napataas pa ng dalawang kilay.

Ito naman ang tumango. "Yes. Why?"

"Nothing," tanging na sabi niya at sumimsim ulit ng hot chocolate.

Actually, nanibago si Zhuri. Nanibago siya na si Sven ang magpaparusa. Sa pagtagal nang patagal ng relasyon nila ay lumalabas ang tunay na ugali nito, at sa hindi malamang kadahilan ay mas gusto niya iyon.

WickedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang