Chapter 35

97 8 0
                                    

Movie marathon with him






SUMANDAL LANG si Zhuri sa pader habang pinapanood si Sven na makipaglaban sa mga natitirang tauhan ni Quillin.

Wala ng mga tao sa casino. Nagsilabasan dahil sa sunod-sunod na putok ng baril galing kay Sven at sa mga kalaban nito.

Nang mapatay na ni Sven ang natitirang kalaban. Napabuga ito ng hangin sa kawalan at tumingin na sa kanya.

"You done?" Tanong nito at lumapit sa kanya.

Tumango si Zhuri rito. "Yep. Let's go?"

Tumango rin ito at sabay silang lumabas ng casino.

Nang makarating sa sasakyan, pumasok na siya at tumingin kay Sven na kapapasok pa lang.

"Now, let's go home," nakangiting sabi nito sa kanya at pinaandar na ang kotse.

.
.
.
.

Nang makarating na sila sa helipad kung na saan ang helicopter. Bumaba na sila ni Sven ng sasakyan at sabay na naglakad papunta sa helicop. Nang makapasok, nag seat belt na sila at sinuot ang earmuffs.

Napatingin si Zhuri kay Sven nang hawakan nito ang isang kamay niya at dinala sa hita nito. Hindi ito  nakatingin sa kanya, nakatingin ito sa labas ng bintana.

Maikling napangiti na lang siya sa ginawa nito at tumingin na lang din sa labas ng bintana nang magsimula ng paliparin ang helicopter.

Ilang minuto lang ang itinagal nila sa taas. Nang makalapag na ang helicopter, unang lumabas si Zhuri at hinintay si Sven.

"It's dinner time," wika nito sa kanya nang makababa ng helicop. Tumango siya rito dahil totoo na gabi na. "Want to have dinner with me?" Tanong nito na ikinangiti niya.

"Sure," sagot niya na ikinangiti rin nito ng malapad.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang beywang niya. "Let's go?" Anito na ikinatango niya.

Sabay silang naglakad palayo sa helipad at sumakay sa kotse ni Sven na nakaparada na sa parking lot.

Agad na pinaandar ni Sven ang kotse at binuksan ang stereo para malibang siya.

Ilang minuto lang nakarating na sila sa bahay ni Sven dahil hindi naman matraffic. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ni Zhuri nang maisip ang aso at excited na bumaba ng sasakyan. Nauna na siyang pumasok sa loob ng mansion para salubungin si Goldy.

Agad na nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng pagtataka nang malamang walang Goldy na nakaabang sa pinto na lagi nitong ginagawa.

Nagtatakang napatingin siya kay Sven nang makapasok na ito. "Where's Goldy?" Tanong agad rito.

Napatingin naman ito sa paligid dahil sa tanong niya. "I think gumala sila ni Manang?" Hindi siguradong sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya.

"Gabi?"

Nagkibit-balikat ito at napakamot sa ulo. "Hahanapin ko," saad nito na ikinangiti ni Zhuri ulit.

Malakas ang boses na tinawag ni Sven si Manang at nagsimulang maglibot sa buong mansion para hanapin ang aso. Nang mawala ito sa paningin ni Zhuri, umupo siya sofa ng salas.

Aktong ipipikit ang mga mata panandalian dahil nakaramdam siya ng pagod nang may dumila sa kamay niya.

Napatingin siya sa gumawa niyon at agad na napangiti nang malapad sa nakita. "Goldy!" Masayang tawag sa pangalan ng aso. Tumahol ito at sumampa sa kanya. "Mommy missed you!" Tumahol ulit ito at nagpalambing tulad dati.

WickedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu