Chapter 14

123 4 0
                                    

Nineth highest rank







AGAD NAWALA sa mukha ni Lim Huang ang gulat, napalitan iyon ng ngisi. "Miss Bloody girl. Ano ginagawa mo rito?"

"Hindi ba obvious? Papatayin ka," walang ganang tugon ni Zhuri sa lalaki.

Agad na napalitan ang ngisi nito. Dumilim ang mukha nito at galit na tinitigan siya. "You don't know me, lady."

"You don't know me too, old man." Sa sinabi niya, hindi na ito nakapagtimpi. Mabilis nitong binasag ang katabi nitong salamin na naglalaman ng espada.

Kinuha nito iyon. "Die bitch!" Tiim-bagang sabi nito at sumugod sa kanya.

Mabilis na itinaas niya ang katana at mabilis ang galaw na kinalaban ito. Kaliwa't kanan ang laban nila ng espada.

Mabilis na yumuko si Zhuri dito at gamit ang isang paa, pakanan niyang sinipa si Lim huang sa paa na ikinatumba nito. Agad itong tumayo at pinosisyon ang espada sa kanya. "I'm gonna kill you!" Anito. Nakataas ang dalawang kamay nito habang hawak ang espada. Siya, kinuha ang natitirang katana na nakalagay sa likod niya at matalim na tiningnan si Lim Huang.

Unang sumugod ito sa kanya. Akmang matatamaan siya ng espada nito sa leeg niya nang mabilis siyang napaatras at mabilis rin na sinipa ang kamay nito kung saan hawak ang espada.

Nagulat ito sa ginawa niya. "P-Paano..."

Itinutok niya ang isang katanang hawak niya rito. Wala itong takas dahil oras na subukan nitong tumakas, mamatay ito agad. "Shinjimae," malamig pa sa yelo sabi rito.

Dumaan sa mukha nito ang takot. "Don't kill me, gagawin ko lahat. Kahit sayo na lahat ang mga drogang binenta ko!" Pagmamakaawa agad nito sa kanya. Umirap si Zhuri rito dahil alam niyang nag-a-acting lang ito. Stupid.

Nakatutok pa rin sa leeg nito ang dulo ng katana niya. Idiniin niya pa iyon dito na ikinasugat na ng leeg nito. "I don't need it," matigas na sabi at walang pasabing pinutol ang leeg nito. Tumalsik sa maskara niya ang dugo.

Tss...

Nang patay na ito at pagulong-gulong ang ulo... Ibinalik na niya ang dalawang katana sa likod niya at kinuha ang espada na ginamit nito kanina.

Kinuha niya rin ang maliit na tela ‘di kalayuan at pinunasan muna ang espada gamit ang telang malinis para hindi mag-iwan ng fingerprint. Pagkatapos, ibinalik niya iyon kung saan nakalagay. "Fourteen milyon huh.." Basa niya sa presyo ng espada.

Naiiling na naglakad si Zhuri palayo kay Lim Huang. Mga tauhan na ipinadala ni Erech ang bahala na sa kalat niya.

Habang naglalakad palabas, biglang napahinto si Zhuri sa paglalakad nang may sumabog. Agad niyang binalanse ang sarili sa pagkakatayo ng yumanig ang sahig.

Kuso!

Agad niyang in-on ang earpiece. "What the hell is happening?" Tanong niya sa linya.

[May sumabog na bomba,] sagot ni Sven na nasa linya.

Binalanse uli ni Zhuri ang sarili nang may sumabog uli.

[Kailangan niyo na umalis diyan, dahil ilang minuto lang gigiba na 'yan.] Si Erech.

Kumunot ang noo niya. "Care to explain?" Tanong niya kay Erech habang patuloy na naglalakad paalis sa building.

[According sa nakalap ko kanina lang. Alam ni Lim Huang na may taong tatangkang papatay sa kanya at diyan mangyayari iyon.] Tukoy nito kung na saan sila Sven. [Hindi niya alam na kayo iyon,] dagdag nito. [Plano niyang magtanim ng bomba sa seventh floor para pag sumabog, mamamatay ang lahat ng taong na riyan kasama ang taong nagtatangka sa kanya.]

WickedWhere stories live. Discover now