Chapter 8

147 5 0
                                    

Birthday






FAMOUS GANG in Asia.

Napatingin si Zhuri sa salamin. She's wearing a spaghetti strap crop top color black, pinaresan niya ito ng blazer color bloody red at high waist high stretch jeggings, color black.

Matapos suotin ang stilettos na color red, inilugay niya lang ang mahabang buhok niya. Pagkatapos, sinuot ang maskara at naglakad na palabas ng silid.

Hindi na siya kumain pa ng lunch, dahil hindi siya nagugutom. Naglakad siya palabas ng kabahayan at sumakay sa motor niyang nakaparada. Kapagkuwan, pinaandar na.

Ilang minuto lang, nakarating na siya. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor kaya mabilis siyang nakapunta sa base nila ni Erech.

Naglakad siya papasok, agad si Zhuri napairap dahil bumungad sa kanya si Sven.

"Hi, Zhuri!" Bati nito at ibinaba ang  hawak nitong mug na may laman na kape.

Hindi niya ito pinansin at nagtungo na lang kay Erech.

Ayaw niya itong pansinin dahil sa ginawa nito kaninang umaga.

Ang ginawa nito? Panay asar sa kanya kaninang umaga. Walang tigil hanggang sa nayamot na siya at hindi na ito pinansin.

"Sup." Si Erech. Naglakad si Zhuri patungo rito at tiningnan ang screen ng laptop nito.

"What's that?"

"I'm making an invitation card."

"Invitation?"

"Yeah... Aatend kayo ng birthday party, iyon ang mission niyo. You need an invitation card para makapasok kayo," paliwanag nito at tumayo na. "Baba na tayo, nasa baba si Sven."

Napabuntong-hininga na lang siya rito, at una ng bumaba patungo kay Sven na nagse-cellphone.

Nang mahagip ng mga mata ni Sven na patungo siya rito. Ibinaba nito ang cellphone na hawak. "Sorry na..." hingi agad nito ng tawad.

Umupo siya sa tabi nito. "Just shut up."

"Bati na tayo pag nag shut up na ako?" Pangungulit nito, para itong bata.

Tumango na lang siya dahil sigurado siyang mangungulit ito. Wala sa sariling napangiti siya nang marinig niya itong mag 'Yes' nang mahina.

Geez!

Why am I smiling?

Inis na tanong sa sarili. Mabilis siyang napabaling kay Erech nang magsalita na.

"So... Our mission today is... aatend kayo ng party," panimula ni Erech at umupo sa kabilang sofa. May inabot ito sa kanila na folder na agad nilang tinanggap ni Sven.

"Jacob De guzman. May gusto siya kay Katelyn, ang may birthday... The Mayor's one and only daughter," paliwanag ni Erech at nagtipa ng kung ano sa laptop nitong dala.

Tumango sila Zhuri at Sven kay Erech at binuksan ng sabay ang folder na hawak.

Name: Jacob De guzman
Age: 32

Leader of the gang, Degaz. Even before so, Jacob had already liked Katelyn though no matter how many times he confesses, she can't seem to feel anything for him. With that, Jacob had decided to kidnap Katelyn on her birthday.......

Napasandal si Zhuri sa nabasa niya. "Ito lang? About kay Jacob?"

"Jacob is the leader of the famous gang, Degaz. Ang Degaz ang pinaka sikat na gang sa buong asia," paliwanag ulit ni Erech.

WickedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin