Chapter 15

122 8 0
                                    

Kiss






MABILIS NA napatayo si Sven mula sa kinauupuan nang makita si Zhuri palapit sa kanya. Sa haba ng oras na paghihintay niya, sa wakas dumating na ito.

"Ginabi na tayo," ani rito ng huminto ito sa harap niya.

Tumango ito at tumingin sa labas. "Let's go."

Tumango rin si Sven rito at sumunod. "Saan tayo pupunta?"

Sa tanong niya, napahinto ito sa paglalakad at nag-isip sandali. "Well.. ahm... I want to see Goldy, can I?"

Malapad siyang napangiti sa sinabi ni Zhuri, medyo may pag-aalanganin pa sa boses nito ng sabihin iyon. "Sige ba! Doon ka na rin mag dinner?" Patanong niyang tugon dahil baka ayaw nito.

Nang tumango ito, dali-dali siyang pumunta sa sasakyan niya. Sa hindi malamang dahilan, sobrang saya ni Sven ngayon nang sabihin iyon ni Zhuri. Nawala lahat ng nasa isipan niya na kanina pa iniisip.

Akmang papasok na siya ng pagilan siya ni Zhuri. "Hindi ka sasakay diyan." Kunot-noong lumingon siya kay Zhuri ng sabihin iyon. "Sa sasakyan ko na ikaw sumakay, ikaw mag drive," anito at una ng pumasok sa sasakyan nitong gamit ngayon, ang BMW.

Parang aso naman si Sven na sumunod sa babae. Nagtungo siya sa driver seat dahil siya raw ang magmamaneho.

Nang makapasok, "bakit?" Tanong agad niya kay Zhuri.

Nagkrus ito ng braso bago tumingin sa kanya. "Tingin ka sa kotse mo," utos nito na agad niya naman sinunod.

Napataas ang kilay niya nang makita ang limang lalaki na papunta sa kotse niya. May dala-dala ang mga ito na martilyo, baril at baseball bat.

"What the... " Fuck...

"Hangga't hindi pa nagkakaroon ng meeting about sa inyo ni Agartha, hindi ka ligtas," sabi ng katabi niya.

Naguguluhang bumaling siya sa babae. "What do you mean?"

Tumingin ito sa bintanang kaharap nila. "Agartha was the initiator of that. Kilala ko si Agartha, hindi siya nagpapatalo kahit sino man. Lalo na isa ka lamang hamak na miyembro ng organisasyon."

"Tungkol ito sa pagiging highest rank 'di ba?" Mahinahon na tanong ni Sven at tumango ito. Huminga siya ng malalim. Fuck this shit. "Hindi ko kailangan maging highest rank, sa kanya na iyong pagiging Ninenth highest rank."

"Pero may deal kayo, deal is a deal. Isa sa batas iyon ng organisasyon. Oras na magdeal kayo, tuparin niyo kundi.. paparusahan kayo at maaaring kamatayan iyon," mahinahon na paliwanag nito.

"Kung ganon, dapat tanggapin niya."

"As I said, kahit talo na si Agartha, para sa kanya panalo pa rin siya. Hindi siya nagpapatalo, gagawin lahat para mabawi ang sa kanya," saad nito. "Alam mo plano niya ngayon? Ang takutin ka, sabihing ayaw mong maging highest rank. Kumbaga, gusto niyang ipalabas na hindi ikaw sumusunod sa deal para ikaw ang maparusahan."

Mariin si Sven napapikit sa sinabi ni Zhuri.

Fuck! Dami na nga problema, dumagdag pa!

Inis na sabi ni Sven sa isipan. Napatingin siya sa kotse niyang sira-sira na. Nang may mahagip ang mga mata niya na babae, puti ang suot, napatingin siya roon.

"That's Trace, Agartha's friend."

"Kasabwat?" Walang ganang tanong niya na ikinatango nito.

"Habang wala pang nagaganap na anunsiyo tungkol sa pagiging Ninenth highest rank, patuloy pa rin ang paggaganito nila... So be careful, Sven." Parang may pag-aalala sa boses nito ng sabihin iyon sa kanya.

WickedWhere stories live. Discover now