Chapter 72

65 1 0
                                    

Dead






AFTER THEIR first dance as a married couple, umupo na sila Zhuri at Sven sa kanilang upuan.

"Tired?" Tanong ni Sven sa kanya ng ihilig niya ang ulo sa balikat nito.

"Sakit na ng paa ko," reklamo ni Zhuri na ikinatawa ng mahina ni Sven.

Napatingin siya sa isang paa niya nang kuhain iyon ni Sven para ipatong sa hita nito at masahein. Lihim na napangiti si Zhuri sa ginawa nito at dinampian ng halik ang pisngi nito. "Thanks," aniya at humilig ulit ang ulo sa balikat nito.

Ilang minuto silang ganoon lang ang posisyon nang may lumapit sa kanila. Sila Agartha at Nicholas. May kasama ang dalawa na batang babae na pamilyar kila Zhuri at Sven, pero hindi maalala kung saan nakita.

"Hi," bati ni Agartha sa kanila.

"Low," bati niya sunod si Sven.

"I want you to meet our daughter." Napaayos ng upo si Zhuri sa sinabi ni Nicholas at nagkatinginan sila ni Sven.

"Daughter?!" Gulat nilang sambit ni Sven kila Agartha.

"Yes. We adopted her—" Hindi pa naituloy ni Nicholas ang sasabihin nang sumugod ng yakap ang batang babae kay Sven.

"Na miss po kita! Na miss po kita!" Paulit-ulit na sambit ng batang babae kay Sven. Humiwalay ito sa yakap at malapad na ngumiti sa asawa niya. "Asan po yun partner niyo po? Yun babaeng naka mask? Akala ko po magkarelasyon kayo, pero bakit siya po pinakasalan niyo?" Turo ng babae sa kanya.

Sandali silang natahimik sa sinabi ng batang babae. Iniisip nila Zhuri at Sven kung sino ang babae nang pumasok sa isipan niya kung sino.

Tinitigan niya ang batang babae ng maigi. Napangiti siya nang makita na ito nga ang batang babae na dati nilang iniligtas ni Sven.

Medyo nagkalaman na ito at gumanda kaya hindi nila namukhaan.

"Ako po yun iniligtas niyo dati," saad ng batang babae nang makita ang reaksiyon ni Sven.

Napangiti na rin si Sven nang maalala na rin yun babae. "Oh, I remember now." Sambit ni Sven at ginulo ang buhok ng batang babae. "Hindi kita nakilala dahil nagkalaman at gumanda ka na."

Natawa ang batang babae kay Sven. "So, asan na yun kasama niyo po palagi? Yun si ate na naka mask?" Makulit na tanong ulit nito.

Nakatinginan silang apat na si Agartha, Nicholas, Sven at Zhuri.

"Baby," tinawag ni Agartha ang batang babae.

Tumingin ito kay Agartha. "Yes, mommy?" Tanong nito. Napangiti ulit si Zhuri sa sinabi ng bata, parang dati lang naghahanap ito ng magulang, ngayon meron na.

Thanks to Agartha and Nicholas.

"That's Devon," pakilala ni Agartha kay Sven na ikinatingin ng bata kay Sven. "Sven, this is Verity." Pakilala nito sa batang babae.

Verity. What a beautiful name.

"Hi po, Kuya Sven!" Masiglang bati ng batang babae na ang pangalan ay Verity.

"And Verity." Napatingin ulit yun bata sa Mommy nito na si Agartha. Tinuro siya ni Agartha. "That's Zhuri, yun tinutukoy mo na naka mask." Nang marinig iyon ng bata, napatingin agad ito sa kanya at sinalubong siya ng mainit na yakap.

Tinugon naman ni Zhuri iyon at mahinang natawa. "Kayo pala yun! Masaya ako na kayo ni Kuya Sven ang nagkatuluyan!" Masayang sabi ng bata at humiwalay sa kanya para hawakan ng dalawang kamay nito ang pisngi niya. "Ang ganda niyo pala!"

WickedWhere stories live. Discover now